Kapamilya comedian Chokoleit on AlDub phenomenon: "Let’s face it, panahon talaga nila. Hindi natin makukuwestiyon yun."

Kapamilya artist Chokoleit on dealing with Kapuso talents AlDub in online show: "Siguro kung gagawa man ako ng segment about them, I will approach it in a way na hindi ko naman puwedeng siraan. Kasi hindi naman din ako puwedeng maging biased."


Bukod sa videos na gagawin niya para sa Buzz Productions na lalabas online, maghu-host din ang Kapamilya comedian na si Chokoleit ng online talk show, ang Chika ni Choco.

Bilang host, hindi limitado si Chokoleit sa Kapamilya shows or talents.

Puwede kayang pag-usapan sa show niya ang AlDub phenomenon ng GMA Network?

Hindi ba ito magkaka-conflict sa trabaho ni Chokoleit bilang isang Kapamilya?

Ayon kay Chokoleit, puwedeng pag-usapan ang AlDub sa show niya. Pero inamin niyang mahihirapan siya bilang host.

"Yes, of course!" bulalas niya.

“It’s just that, kumbaga, tongue-tied kami.

"Ako kasi siyempre, ayoko rin naman makasakit dahil siyempre, friend ko rin naman si Vice [Ganda].

“Sinabi ko rin naman sa kanya na, ‘Let’s face it, panahon talaga nila. Hindi natin makukuwestiyon yun.'”

Tatanggihan ba ni Chokoleit i-feature ang AlDub, lalo pa’t alam niyang marami itong puwedeng makuhang hits or views para sa show?

Tugon niya, “Naisip ko rin naman yun.

“Pero never akong nag-comment about that.

“Alam ko ang totoo, pero mahirap na. Ayoko rin naman kasing malagay sa alanganin.

"Although kung tanungin ako, oo, it’s a phenomenon. Walang puwedeng magkuwestiyon dun.

“Siguro kung gagawa man ako ng segment about them, I will approach it in a way na hindi ko naman puwedeng siraan.

“Kasi hindi naman din ako puwedeng maging biased.”

Mahihirapan ba siya kung sakali?

“Oo, mahirap.

“Siguro in general lang, and I will not say anything negative sa kanilang dalawa [Alden Richards and Maine Mendoza].

“Sasabihin ko lang siguro na yung phenomenon ni AlDub ngayon, five years ago, it was Vice Ganda’s time.

“Iba rin yung na-achieve ni Vice, mahirap din.

“Pero this time, ibigay natin, kumbaga, sa AlDub.

"Hindi kasi fair, kasi solo siya [Vice].

“Pero kung sa noontime show ang labanan, talaga namang milya-milya.”

HAPPY FOR WALLY BAYOLA. Samantala, masayang-masaya raw si Chokoleit para sa mga kaibigan niyang Jose Manalo at Wally Bayola, na parehong bahagi ng sinusubaybayang Kalyeserye ng Eat Bulaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Lalo na kay Wally,” sambit ni Chokoleit.

“Kay Wally, it was... well, he thought it was the end of his career during the height of the ano [video scandal].

"Hindi lahat nabibigyan ng chance na ganun.

"Scandal yun. Hindi lang tsismis.

"Pero na-erase yun na hindi pinilit."

Read: Part 1. Wally Bayola breaks his silence on sex-video scandal; clears Yosh Rivera's name

Hangang-hanga rin si Chokoleit kay Wally bilang Lola Nidora, Duhrizz, at Rihanna.

“Ang husay niya! Napanood ko yung kanyang act.

“Ako nga, tinanong ko ang sarili ko, kaya ko ba yung ginawa niya?

"Tatlo yun, tapos Philippine Arena," pagtukoy ni Chokoleit sa venue kung saan ginawa ang "Tamang Panahon" concert o ang grand fans’ day ng AlDub Nation noong October 24.

Sa nasabing event ay nag-monologue si Wally kung saan nagpali-palit siya ng mga karakter bilang Lola Nidora, Duhrizz, at Rihanna.

Patuloy ni Chokoleit, “Nagawa niya na hindi ko siya nakitaan ng tension na nagba-buckle.

“Na-impress ako. Kumbaga, best stand-up act yun.

“At saka, hindi ko siya nakitaan ng tension, buckle or hard sell na, magaling ako, hindi.

“He delivered it in such a way na matutuwa ka, natural.

“Napapalakpak ako. Dun ako napaiyak.

“Actually, bilang performer ako, ha... kumbaga, yung AlDub, ibigay natin sa mga kinikilig-kilig.

“Pero as a performer, talagang dun ako sa, ‘Wow, nagawa niya!

“Kasi kung ako yun, baka may doubt pa ako na mag-buckle-buckle ako or something.

“Kahit na alam kong magaling ako, nagduda ako sa sarili ko kung magagawa ko ba yun.

“Kumbaga, ang galing naman ni Wally.”

NO ENVY. Hindi ba naiinggit si Chokoleit kay Wally? Hindi ba naitanong ni Chokoleit ang sarili kung kailan siya magiging ganoon ka-phenomenal?

Tugon ng komedyante, “Hindi inggit in such a way na naiinggit ako na nangyari sa kanila.

“Kasi, I can say na I can do it given yung mabigyan ng pagkakataon ulit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Inggit in such a way na sana, ako rin, mabigyan ng pagkakataon para mailabas ko rin yung talent ko.”

Para kay Chokoleit, destined si Wally na sumikat nang husto.

"Kasi naniniwala ako na kanya-kanya rin. Yun ang destinasyon niya, e.

“Kahit naman si Wally, hindi naniwalang mangyayari sa kanya ‘yan, e. Meant to be yun.

“Hindi natin alam and all we can do is be happy for them.

“Sabi ko nga, ang dasal ko, ang galing naman.

“Sana mangyari rin sa akin yung nangyari kay Wally na nabigyan ng chance na bongga.

“Iconic yung kanyang Lola Nidora,” pagtatapos ni Chokoleit.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN