Angelika dela Cruz gives birth to her second baby

Actress Angelika dela Cruz and husband Orion Casareo welcomed their second child earlier today, November 3. The couple named their second son Orion Casareo II or O2 for short.


Isinilang na ni Angelika dela Cruz ang pangalawang anak nila ng mister niyang si Orion Casareo, bandang 7:30 ng umaga ngayong Martes, November 3.

Nagdesisyon ang mag-asawa na isunod ang pangalan ng second baby nila, na lalaki rin, sa pangalan ni Orion.

Orion Casareo II ang buong pangalan nito at ang palayaw naman ay O2.

Malaki ang baby na may timbang na 7.12 lbs at 50 cm naman ang haba nito.

Mestizo ang second baby ni Angelika at kahit bagong silang ay makikitang guwapo ito.

Ayon kay Angelika, sa tingin nilang mag-asawa ay mas malaki ang pagkakahawig ni O2 sa kanya.

"Sabi nila kamukha ko raw pero, sa tingin ko, mas kamukha ni Edward."

Si Edward ang nakababatang kapatid ni Angelika na sumakabilang-buhay noong 2010 dahil sa vehicular accident.

Ilang sandali bago siya manganak, via caesarean section, ay nagawa pang kunan ng Kapuso actress ang ilaw sa operating table sa loob ng delivery room ng UERM Memorial Hospital, sa may Quezon City, kung saan siya nanganak.

My view 😃 see you soon anak #excited #nervous #babynumber2

A photo posted by Angelika Dela Cruz Casareo (@angelikadelacruz) onNov 2, 2015 at 2:21pm PST

Caesarean din daw ang panganay nilang si Gabby kaya mas naging madali ang panganganak niya ngayon.

Ayon kay Angelika, na nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pamamagitan ng text message, "Mas naging madali ngayon kasi, last time, nag-labor pa ako ng 12 hours bago ako na-CS din."

Masaya raw ang panganay nilang anak na si Gabby nang makita nito ang kanyang baby brother.

"Happy siya. Sabi niya, 'Wow, that's my baby brother!'"

Sa ngayon, magpapahinga muna raw si Angelika at aalagaan ang bagong silang na anak.

Magbi-breastfeeding din daw siya para masiguro ang kalusugan ng anak.

Nag-post na rin si Angelika sa kanyang Instagram account ng larawan ni Baby O2 at sa caption nito:

Our Little Orion 👶😃 maraming salamat panginoon sa biyayang ito #babynumber2 #finally #baby #babyboy #newborn

A photo posted by Angelika Dela Cruz Casareo (@angelikadelacruz) onNov 3, 2015 at 1:51am PST


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN