James Reid, Nadine Lustre never let intrigues affect their work, says director Antoinette Jadaone

Director Antoinette Jadaone on James Reid and Nadine Lustre's rapport off cam: "Nag-share sila ng earphones. Kapag nagpapabili ng food yung isa, bibilhan niya ng food yung isa."


“Hindi ko alam. Nagbigayan sila ng aso, yun ang latest.”

Ito ang pahayag ng direktor na si Antoinette Jadaone—o mas kilala bilang Direk Tonette—nang tanungin tungkol sa estado ng relasyon ng On The Wings of Love stars na sina James Reid at Nadine Lustre.

Kuwento pa ni Direk Tonette, “Kahapon na-stop yung taping namin kasi nagbigay ng dog si James kay Nadine.

“Happy kasi makikita mong masaya naman silang dalawa.”

Nauna nang naiulat ang tungkol sa regalong binili ni James para kay Nadine bago pa makabalik ang aktres mula sa bakasyon nito sa South Korea kamakailan.

Read: James Reid gives Nadine Lustre a cute puppy as birthday gift

May nagbago ba sa pakikitungo nina James at Nadine mula nang magsimula ang nabanggit na teleserye?

Sagot ni Direk Tonette, “Parang ganun pa rin naman. Parang ano sila, sobrang good friends talaga sila.

“Nag-share sila ng earphones. Kapag nagpapabili ng food yung isa, bibilhan niya ng food yung isa.

"Ganun yung bonding talaga nila."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment reporters si Direk Tonette sa press launch ng kanyang librong The Arrow With A Heart Pierced Through Him, na ginanap sa Fully Booked sa High Street, Bonifacio Global City, kagabi, November 3.

GOOD VIBES ON THE SET. Dito ay nabanggit ng PEP na hindi maiwasang masangkot sa kontrobersiya sina James at Nadine, lalo na sa tuwing napanghihimasukan ang kani-kanilang personal na buhay.

Ngunit ayon kay Direk Tonette, hindi niya nakitang apektado ang dalawa sa kung anumang intrigang ibinabato sa kanila.

“Silang dalawa, professional sila kapag nasa harapan sila ng camera.

“Kapag hindi ka nagpa-follow ng Instagram nila, hindi mo alam na may issue.

"Kapag nasa set kami, yung pinag-uusapan namin mga normal lang na pinag-uusapan."

Bukod sa pressure mula sa fans na totohananin nina James at Nadine ang kanilang onscreen romance, madalas ding nakukumpara ang dalawa sa ibang sikat na love teams.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Komento ni Direk Tonette hinggil dito, “Wala lang sa kanila. Kaya siguro happy set kami lagi.

"We just love doing On The Wings of Love. Hindi siya work."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN