Bea Binene to AlDub fans who bash her for being close to Alden Richards: “Magkaibigan kami ni Alden way before.”

May mensahe si Bea Binene sa ilang diumano'y AlDub fans na binabatikos siya dahil sa pagiging malapit niya kay Alden Richards. “Minsan kailangan nating intindihin na may mga kaibigan din naman ang ibang tao,” sabi ng Kapuso actress na nagdiwang ng kanyang 18th birthday nitong November 3.


Nagbigay ng kanyang panig si Bea Binene hinggil sa pagkontra ng ilang fans ng AlDub—ang love team nina Alden Richards at Maine Mendoza—na kumukontra sa pagiging malapit ni Alden sa ibang babae, kagaya niya.

Sa social media, may ibang fans na kumukontra sa posibleng pagdalo ni Alden sa 18th birthday celebration ni Bea.

Pero sa debut party ni Bea na ginanap sa Maynila Ballroom ng Manila Hotel nitong Martes ng gabi, November 3, ay sinorpresa ni Alden si Bea nang biglang lumabas ang Pambansang Bae upang isayaw ang debutante.

Si Alden ang last dance ni Bea sa 18 Roses.

(Photo by Noel Orsal)

Alden gives his birthday wish to Bea (Photo: Noel Orsal)

BEA APPEALS. Pagkatapos ng party ay nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at YES! Magazine si Bea.

Naging maingat sa pagsagot ang Kapuso actress nang tanungin ng PEP kung ano ang reaksiyon niya sa ibang diumano’y AlDub fans na nagagalit sa kanya dahil sa pagiging malapit niya kay Alden.

Pahayag niya, “Parang feeling ko, kailangang kong piliing mabuti ang mga sasabihin ko kasi baka lagot ako, di ba?

“Siguro, unang-una, sobrang hanga ako sa fandom nila [AlDub], sobrang hangang-hanga ako sa AlDub Nation.

“Pero kailangan siguro, lahat naman tayo, minsan kailangan nating intindihin na may mga kaibigan din naman ang ibang tao, not just Alden.

"Siguro kahit lahat naman po na may ka-love team or something na ipina-partner sa iba, siguro normal lang naman na to have personal life, to have friends na alam mo naman talaga na walang something.

“Si Alden, isa talaga siya sa pinaka-close ko talaga.

“Siya yung tipong kahit di kami nagkikita, tatanungin niya ako, ‘Kumusta ka na?’

"Minsan bigla ka na lang niyang tatawagan, 'Bey, kumusta ka na?’ Ganun.

"So, sobrang happy ako."

Dagdag ni Bea, "And, yun nga, sana maintindihan din nila, magkaibigan kami ni Alden way before.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And it’s my birthday.

"Siyempre kapag ang isang debut, gusto ng isang debutante nandun lahat ng importanteng tao... mga kaibigan niya at mga taong importante sa buhay niya."

May ilang fans kasing sobrang protective sa AlDub love team at hindi nagugustuhan sa tuwing nadidikit ang kahit sinuman sa kanilang iniidolo sa ibang artista.

Halimbawa na lamang dito ang nangyari kay Kris Bernal nang i-bash siya ng ilang AlDub fans nang mag-post ang aktres ng larawan nilang dalawa ni Alden na magkasama.

Inakusahan ng mga nabanggit na fans si Kris na “nakikisakay,” “papansin,” at “malandi” dahil sa post niyang larawan kasama si Alden.

May ibang fans naman ang nagsasabing hindi tunay na tagahanga ang bashers na ito kundi gusto lamang nilang lumikha ng gulo para ikasira ng sikat na AlDub.

Read: Kris Bernal bashed by AlDub 'fans' over Instagram photo with Alden Richards; apologizes for her “insensitive actions”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN