Solenn Heussaff on ex-boyfriend Derek Ramsay: "He will always be a part of my life."

Solenn Heussaff finally agrees to work with ex-boyfriend Derek Ramsay. Solenn explains, “E, kasi, nine years na, sana naman naka-move on na ang mga tao. At least now, it’s good enough na nagkaroon na rin ako ng mark sa industriya, so okey lang naman din.”


Malapit nang matapos ang shooting ng pelikulang Love is Blind, mula sa Regal Entertainment, kung saan magkasama ang dating magkasintahang sina Solenn Heussaff at Derek Ramsay.

Kuwento ni Solenn, “Dapat matapos na namin yun this year, kasi yung showing niya, by January.

“Hindi puwedeng February kasi I have a movie na with Dennis Trillo, yung Lakbay to Love, tapos na namin yun ni Dennis.”

Inamin ni Soleen na hindi naging madali ang pagsasama nila ni Derek sa isang project.

Saad ng Kapuso actress, “Noong pumasok ako sa showbiz, kahit ang tagal na naming hiwalay, palaging yun ang tanong.

“All the interviews, palaging sa kanya; sabi ko, ‘Puwede ba, this is my first time in showbiz. And years na yung breakup dati, so bakit kailangang pag-usapan?’

“Ayokong magkatrabaho sa kanya kasi kapag may work, yun ang magiging tanong din.”

Bakit siya napapayag ngayon?

Paliwanag ni Solenn, “E, kasi, nine years na, sana naman naka-move on na ang mga tao.

“At least now, it’s good enough na nagkaroon na rin ako ng mark sa industriya, so okey lang naman din.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Solenn sa taping ng GMA primetime series na Marimar, sa Marikina City, noong October 29.


FIRST LOVE. Awkward daw sila ni Derek sa unang araw ng shooting nila.

Ayon kay Solenn, “Awkward in a sense na I haven’t seen him [in awhile].

“Kahit na we’re in the same industry, we never bumped into each other.

“Noong isang beses lang, nag-shoot siya for Kidlat yata, nasa studio sila, ako ang pangalawang isu-shoot nila.”

Nakaramdam din ba si Solenn ng pagkailang ni Derek sa kanya?

“No, as in first day lang yung awkward, yung second day, as if super parang walang nangyari sa nine years.

“Parang hindi namin kailangang mag-catch up na it’s a long time.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Catching up lang, kasi ako dati, ayoko talaga sa showbiz.

“Sabi niya, ‘Bakit ka nag-change ng mind,’ catch up, catch up lang.

“And siyempre naman, he will always be a part of my life.

“First love ko siya, he’ll always be in my memory.

"Hindi naman siya yung, ‘Sino siya ulit?’”

Natatawang sabi pa ni Solenn, “Marami akong ganyan, ‘Sino siya?’”

May mga pagbabago ba siyang nakita kay Derek?

“Same old Derek, same guy.

"He hasn’t changed kahit na successful siya, mabait siya.

“And, actually, nagulat ako sa galing niya sa pag-arte; sabi ko, ‘Galing mo, ha.’”

Naseseksihan pa rin ba siya rito?

“Siyempre naman guwapo siya, attractive pa rin siya hanggang ngayon,” sagot ni Solenn.


WEDDING PLANS. Hindi naman daw nakakaramdam ng anumang selos ang fiancé ni Solenn na si Nico Bolzico sa muling pagsasama nila ng ex-boyfriend sa pelikula.

Aniya, “Si Nico, okey naman siya.

"Siyempre I asked him just to be sure, out of respect.

“Sabi niya, kung ready ako, okey lang sa kanya.

"So he’s very, very supportive."

Walang selos?

“Wala. Kung meron, baka he’s not showing it, he’s not the type.

“Kapag nasa work ako, nasa work ako; siya rin.

“Hindi kami nag-uusap tungkol sa trabaho.

"Alam niya lang na today, Marimar taping, pero yung details, hindi niya alam."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN