Benjie Paras brushes off negative comments about him and sons Andre and Kobe

All bad things pass, is Benjie Paras wishing that his sons Andre and Kobe will someday find their way back to their mother? “Actually, wala akong wini-wish, kung ano na lang ang dumating. Kung magkaayos o hindi, wala akong ano…” he answers, choosing to let it all hang out.


Umiiwas na si Benjie Paras na magkomento pa tungkol sa ex-wife niyang si Jackie Forster at sa isyu nito sa dalawang anak nilang sina Andre at Kobe Paras.

Pero sa mga interview sa kanya, hindi talaga maiwasang tanungin siya tungkol dito, tulad nang nangyari sa presscon ng pelikula nila ni Pokwang sa Viva na Wang Fam kamakailan.

Inusisa ng press kung ano ang reaksiyon ni Benjie sa patuloy pa ring pag-e-effort ni Jackie na mapalapit sa mga anak nila.

Nakangiti namang nagpaubaya ang comedian, pero sabi niya, “Ayoko nang mag-comment kasi paulit-ulit na lang.

“Kapag nag-comment ako, lumalala lang, so it’s better for me to keep quiet.

“Yung mga anak ko na lang, nasa tamang edad naman na sila.”

Sa isang banda, sabi nga, sa tamang panahon, posible naman na maayos ang lahat.

Pagsang-ayon ni Benjie, “Oo naman, lahat naman tayo ganun.”

Bilang ama, wini-wish niya rin bang isang araw ay maging maayos na ang lahat?

Mabilis niyang sagot, “Actually, wala akong wini-wish, kung ano na lang ang dumating.

“Kung magkaayos o hindi, wala akong ano…

“From the start naman, ang nag-alaga sa kanila yung asawa ko, so okey naman sila.

“Kapag kinausap mo, magagalang naman.

“Basta yun lang ang sinabi ko sa kanila, 'Maging magalang kayo at huwag kayong makaka-offend ng tao.'”

JUDGY NETIZENS. Sa opinyon ng ilang netizens, tila si Benjie ang "kontrabida" sa pagkakaayos ng mag-iina.

Nakangiting reaksiyon dito ng dating PBA player, “Sanay na po ako.

“Sa lahat naman po, sa ganitong sitwasyon, there will always be two sides of the coin.

“Whichever yung lumabas, I don’t care.

“Ako naman, masaya ako sa buhay ko ngayon, masaya ang mga anak ko.”

Hindi siya naaapektuhan kahit na may mga nababasa siyang negatibo, namba-bash o may mga haters?

Ayon kay Benjie, “Hindi ako nagbabasa, e, wala nga akong social media.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yung FB [Facebook] ko, pang-fan page lang yun.

“Yung poser nga—may poser ako—pina-report ko, nawala rin.”

Nakikipag-usap daw yung poser niya sa mga artista at dahil akala ng iba, siya talaga yun, kaya sinasagot o kinakausap din.

Ang misis niyang si Lyxen Diomampo ay madalas ding nakakatanggap ng hate comments.

Hindi ba siya naaapektuhan?

Sabi ni Benjie, “Kapag may lumalabas na ganun, nababasa ng mga anak ko, pupuntahan lang siya, niyayakap siya palagi.

“Sabi ko, wala kaming… hindi kami apektado, ano rin yun, matapang din.

“Matapang sa buhay, teacher din kasi kaya alam niyang i-handle.”

Ano ang kanyang pakiramdam na nasa stepmother ang pagmamahal ng dalawa niyang anak at hindi sa biological mother nila?

Sagot ni Benjie, “Ano ba ang masasabi ko?

“Sa akin kasi, I’m living a normal life and for me, this is normal, yung nangyayari ngayon.

“So parang, lahat ng mga negative na sinasabi ng iba, hindi ko alam, e.”

STAYING POSITIVE. Naging ugali na nga raw ni Benjie na hindi masyadong mag-dwell sa mga negatibong isyu.

Kahit daw sa news, hindi siya nanonood ng mga detalye pa.

“Yung mga national issue, aware ako diyan.

“Pero minsan, titingnan ko ang headlines, depressing ‘to, hindi ko na binabasa kasi maaapektuhan ka.

“Eto, alam kong bumagyo, maraming nadisgrasya, pero yung idedetalye pa sa ‘yo, depressing, e.

“Kung ano yung way na makakatulong ka, tumulong ka na lang.

“Ganun ako, e, kasi iba-iba tayo; sa akin, mas nagwu-work yun.

“Namuhay akong mag-isa, yung mommy ko, ate ko, nag-abroad.

“High school pa lang ako, mag-isa na ako, so ayoko ng malungkot na buhay.

“Even yung music ko, hindi malungkot.

"Kasi kung mag-isa ka, nagda-drive ka, tapos Air Supply ang tugtog mo...

“Mag-isa ka na nga, pag-uwi mo ng bahay, wala kang kasama.

"So, kumbaga, nakasanayan na kaya palagi akong positive."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN