Sarah Geronimo not interested in doing movies anymore?

“For a long time marami po akong naging restrictions. Pero kapag dumating yung panahon na buong-buo ang loob ko na maging artista at maganda ang proyekto, go!” says Sarah Geronimo.


Matapos sabihin ni Angel Locsin na hindi na niya magagawa ang Darna, naging usap-usapan na kung sino ang maaaring pumalit sa kanya para gumanap na Pinoy superheoine sa pelikulang gagawin ng Star Cinema.

Dahil dito, natatanong ang female stars ng ABS-CBN tungkol dito; kabilang na ang singer-actress na si Sarah Geronimo.

Gulat ang unang reaksiyon ni Sarah nang banggitin sa kanya ng ABS-CBN reporter na si Mario Dumaual na may mga humihiling na gampanan niya ang role ni Darna.

“Sorry, wala kasi akong sexy body,” biro ng 27-year-old singer sa iba pang reporters na dumalo sa press conference ng From the Top concert niya kaninang tanghali, November 5.

Dagdag pa ni Sarah, “Ako, personally, parang hindi para sa akin 'yon.

“Hindi ako magtu-two-piece, never akong magtu-two-piece.

“At saka ano po, kailangan physically strong ka doon, maraming demands ang pagiging Darna.”

Bagamat minsa'y pinangarap niyang maging isang superheroine, hindi naman daw niya nakita ang sarili na magiging Darna.

“Pinangarap din lalo na noong bata ako, si Lara Croft nga ang peg ko, e!” natatawang sabi ni Sarah.

Dagdag niya, “Siguro, in the future, gusto ko pong mag-action movie pero siguro po hindi Darna. Hindi para sa akin 'yon.”


NO MORE MOVIES? Kaugnay ng usapin tungkol sa Darna, tila ilag na rin si Sarah sa usapin tungkol sa paggawa muli ng pelikula.

“Gusto niyo pa po ba ako mag-pelikula?” balik-tanong ni Sarah.

Sabi ng singer-actress, hinihiling niya na kung magkaroon siyang muli ng pelikula, ibang tema naman.

“Alam naman po ng lahat 'yon, na nalilinya tayo sa isang genre ng pelikula, ang rom-com.

“Dumating yung point na iniisip ko na... pinag-iisipan ko pong maging aktres.

“Kung gusto ko pong maging actress, kailangan maging fully committed ako. Kung ano ang hinihingi ng istorya...

“Naghahanap lang ako ng lalim, yung growth bilang aktres.”

Dagdag pa niya, “Siguro, kailangan lang ng tamang panahon para maging maayos na ang lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kapag nag-shooting ka, plantsado lahat, walang nababago."

Kung sakaling dumating ang pagkakataong ito, sabi ni Sarah, “For a long time marami po akong naging restrictions.

“Pero kapag dumating yung panahon na buung-buo ang loob ko na maging artista at maganda ang proyekto, go!”

Watch video here:


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN