Angelica Panganiban not in a rush to settle down with John Lloyd Cruz: “Wala namang pagmamadaling nangyayari.”

Sabi ni Angelica Panganiban, nasa punto pa sila ng nobyong si John Lloyd Cruz na nag-e-enjoy sa kanilang career. Hindi pa rin daw dumating sa puntong pinag-uusapan na nila ang pagpapakasal. Ayon sa 29-year-old Kapamilya star, “Wala, kasi alam mo yun, may assurance naman na solid kami. Pero sa ngayon, parang ang saya pa nung takbo ng career.”


“Gusto ko lang talaga masaya, may trabaho, and at the same time ay makapagpahinga pa rin.”

Ito lang daw ang pinaka-wish ni Angelica Panganiban para sa kanyang ika-29 kaarawan noong November 4.

Sa tingin ba niya, at 29, nakamit na niya ang kanyang mga pangarap?

Sagot ni Angelica, “Parang ang hirap sabihin nun.

"Kasi, kahit yung mga matatanda na na kaibigan or yung mas mature talaga sa akin, yung iba nga retired na, pero parang hindi mo 'ata masasabi yun na na-achieve mo na lahat.

"Kasi, parang every day, habang buhay ka naman, may bago at bago kang gustong subukan, di ba?"

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Angelica sa grand presscon ng Banana Sundae, ang reformatted Banana Split, kagabi, November 5, sa 9501 restaurant sa ABS-CBN compound.

Simula November 15, tuwing Linggo na mapapanood ang gag show mula sa late night Saturday timeslot nito.

LEVEL UP. Ngayong nasa tamang gulang na sila ng nobyong si John Lloyd Cruz, 32, para mag-level up ang kanilang relasyon, napag-uusapan na ba nila ang pag-aasawa?

Sagot ni Angelica, “Hindi.”

So, nasaan na sila sa puntong ito ng kanilang pag-iibigan?

Medyo seryosong sagot ng Kapamilya actress, “Wala, kasi alam mo yun, may assurance naman na solid kami.

"Pero sa ngayon, parang ang saya pa nung takbo ng career.

“Ang dami ko pang akala ko hindi ko magagawa.

"Puwede pala akong maging nanay ng isang 19 years old [Kathryn Bernardo sa Pangako Sa ‘Yo], na parang ano...

"Nakakaano, e, nakakabigla yung mga pangyayari nowadays.

“So, parang ang hirap sabihin, hindi mo talaga mapi-predict.

"So, ngayon, kung yung meron sa akin ngayon, talagang ibinibigay ko yung 100 percent ko sa trabaho ko.

“Ganun din naman siya [John Lloyd], kasi sayang yung opportunity kung palalagpasin namin.

"And I’m sure yung mga ganyang bagay, makapaghihintay.

"Pero yung chance na makapag-portray ka ng mga pinapangarap mong roles, na siyempre ang hinihingi ay single ka, so parang okay pa naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala namang pagmamadaling nangyayari.”

Marrying type ba siya?

Natatawang sagot ni Angelica, “Siguro naman!”


NO BREAKUP RUMOR. Tinanong ng PEP si Angelica kung ano ang pakiramdam niyang matagal-tagal nang walang nang-iintrigang hiwalay na sila ni John Lloyd.

Natatawa niyang sagot, “Feeling ko palapit na ulit!

"Ganyan 'yan, e. Totoo 'yan.

"Malapit na ulit, may season 'yan, e.”

Seryosong dagdag ni Angelica, “Ano 'yan, e, pag walang pictures sa Instagram, ayan, hiwalay.

“E, ayoko kasing nagpu-post ng ganun.

"Kung magpu-post ako, magpu-post ako.

"Tsaka, I think, very private talaga para sa amin kung ano yung meron kami."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN