Angelica Panganiban still wants Mayor Duterte to run for president

Angelica Panganiban: “Ako talaga, kapag naging presidente, kapag may nag-jaywalking, may sharpshooter na [nakaabang] babaril, bang! O, wala nang tatawid ngayon. Di ba, kasi ang tumawid, nakakamatay? O, tinotoo ko lang!”


Labis ang panghihinayang ni Angelica Panganiban na hindi tumuloy si Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa presidential race sa 2016 elections.

Biro pa ng Kapamilya actress, “Spokesperson niya ako.”

Sa kanyang Instagram post, may ilang araw na ang nakararaan, sinabi ni Angelica na baka hindi na lang siya boboto dahil hindi tatakbo si Mayor Duterte.

Read: Angelica Panganiban and Chito Miranda weigh options after Mayor Rodrigo Duterte’s decision not to run in 2016 polls

Pero may mga nagsasabi namang baka maging replacement candidate si Duterte sa kanyang partido na PDP-Laban, pagkatapos umatras ni Martin Diño.

Bakit si Duterte pa rin ang ikinakampanya ni Angelica hanggang ngayon?

Tugon niya, “Feeling ko, kailangan natin ng isang taong magpapatigil ng kalokohan ng mga… wala na kasi tayong disiplina, e.

“And ako, aminado ako na wala rin akong disiplina.

"Parang siyempre, di ba, nakikita mo na yung iba, beating the red light? So, gagawin ko rin.

"Ganun, e, ganun yung nangyayari sa atin, so kailangan na nating ayusin.

“Ako talaga, kapag naging presidente, kapag may nag-jaywalking, may sharpshooter na [nakaabang] babaril, bang!

"O, wala nang tatawid ngayon.

"Di ba, kasi ang tumawid, nakakamatay? O, tinotoo ko lang!”

Pero kung hindi na talaga tutuloy si Duterte, sino na lang ang kanyang iboboto sa eleksiyon?

Sagot ni Angelica, “Hindi ko pa alam. Hindi ko pa sila naiimbestigahan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN