Sarah Geronimo has learned her lesson about endorsing a politician

What will make Sarah Geronimo endorse a politician? She says, "Dapat naniniwala ako nang totoo sa iniendorso ko."


Katulad ng ilang celebrities, hindi rin daw mag-eendorso ng pulitiko ang singer-actress na si Sarah Geronimo para sa 2016 elections.

Matatandaang noong mga nakaraang eleksiyon, isa si Sarah sa mga celebrity na nag-endorso ng ilang pulitiko.

Hindi na raw muna ito mauulit dahil, ayon sa 27-year-old singer, “Marami po kasi akong natutunan noong mga panahon na nag-e-endorse ako.

"Hindi lang isa, dalawa o tatlo pa sabay-sabay; minsan may magkaiba pang party.

“Parang sabi ko, hindi tama ito.”

Bagamat itinuturing na aral ang dating karanasan, hindi naman iniisip ni Sarah na pagkakamali ang ginawa niyang pag-eendorso noong panahon ng eleksiyon.

Katuwiran niya, “Kung anuman ang ibinigay ko na contribution noon as an endorser, heartfelt naman po 'yon.

“Hindi siya pagkakamali, e, lesson lang siya the next time na gawin mo ulit, kasi hindi siya biro.”

Ngayon, gustong siguraduhin ni Sarah na sang-ayon siya sa pananaw ng ieendorso niyang pulitiko.

“Sabi ko, the next time na mag-e-endorse ako para sa isang running politician, kailangan bukas na ang isip ko sa mundo ng politics.

“Basta 'yon, dapat naniniwala ako nang totoo sa iniendorso ko,” sabi niya.

Hindi naman alintana ni Sarah kung nakaapekto ang pag-eendorso niya noon sa kanyang showbiz career.

“Ako, yun lang ang stand ko as a person, not as an artist, bilang mamamayang Pilipino.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN