Event organizer apologizes for hoax Bohol concert of James Reid and Nadine Lustre

Ramon Acuña (left) issues a public apology and vows to give refund to ticketholders of the hoax JaDine (right) concert in Bohol.


Pormal nang humingi ng dispensa si Ramon Acuña dahil sa kanyang “panlilinlang” na darating sina James Reid at Nadine Lustre (JaDine) sa isang concert sa Bohol noong October 23.

Kaugnay ito ng reklamo ng JaDine fans na nagbayad ng tickets para sa tinaguriang “Big Event” ng Vantage International, ang diumano’y concert promoter na sangkot sa isyu.

Nilinaw ni Acuña na walang kinalaman ang Viva Artists Agency (VAA) sa hindi pagsipot nina James at Nadine sa naturang concert.

Inamin din niyang wala siyang kontrata o anumang kasunduan sa VAA na kinuha niyang celebrity guests ang dalawang Viva artists.

Si Acuña ay “independent distributor” ng Vantage International, na isang direct selling at multi-level marketing company.

Paliwanag ni Acuña, na event organizer ng sinasabing hoax JaDine concert, “It was my initiative na i-launch yung products ng Vantage sa Bohol. Nag-create ako ng event.

"Tapos nag-invite ako ng banda, gumawa kami ng fashion show, tapos may raffle din, tapos may artista.

"Yung artista namin supposedly sina James at Nadine.

"Pero nalaman ko last week, nung nagkausap kami sa Viva, na yun palang kinausap kong tao o middleman is hindi from Viva.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Acuña sa tanggapan ng VAA sa Tektite Towers, sa Pasig City, ngayong Biyernes, November 6.

Kasama ring humarap sa PEP ang legal counsel ng VAA na si Atty. Candice Tan at ang may-ari ng Vantage International na si Gunn Roque.

Ayon pa kay Acuña, nauna na siyang nakapagbenta ng tickets kung saan nakasaad na celebrity guests sina James at Nadine para sa isang promotional event na dapat sana’y naka-schedule noon pang August 22.

Paliwanag niya, “Nakalagay dun yung picture nila at saka yung name.

"Nung pinostpone namin yung event, sa bagong ticket, wala na.

“Ni-recall naming lahat ng ticket pero hindi 100 percent mababawi lahat. So, pinalitan namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Dun talaga yung pinaka-failure namin. Hindi natanggal sa mga tao na it was launching ng Vantage sa Bohol.

“Lahat sila, ang ini-expect, concert.”


ACUÑA’S FULL STATEMENT. Narito ang kabuuan ng opisyal na pahayag ni Acuña hinggil sa isyu:

“Ako po si Ramon Einstein Acuña at nais kong humingi ng paumanhin sa publiko sa panlilinlang ko na darating si James Reid at Nadine Lustre sa Bohol para dumalo sa concert na ‘Big Event.’

“Noong Oktubre 23, 2015, araw ng concert, nagpahayag ako sa mga dumalo sa ‘Big Event’ na hindi makakarating sila G. Reid at Bb. Lustre dahil hindi sila nakaabot sa paglipad ng kanilang eruplano.

“Bukod pa roon ay nangako ako na magkakaroon ng fans day kasama ang dalawang artista sa ibang araw.

“Gusto ko pong linawin ngayon na wala akong kontrata at hindi ako nakipag-ugnayan sa Viva Artists Agency, Inc., ang manager ni G. Reid at Bb. Lustre, para sa ‘Big Event’ or sa kahit anong fans’ day.

“Ginamit ko po ang mga pangalan nila James Reid, Nadine Lustre at ng Viva na walang pahintulot.

“Nais ko rin pong ipahiwatig na walang kinalaman ang kumpanyang Vantage International sa pagplano o sa pagkansela ng kahit anong concert sa Bohol

“Ang aking mga aksyon at mga binitiwang salita kaugnay ng ‘Big Event’ ay bunga ng sarili kong pagpasya.

“Inuulit ko pong humihingi ako ng kapatawaran sa Viva, sa Vantage International, kina James Reid at Nadine Lustre, sa mga taga-suporta ng JaDine at sa lahat ng taong naloko ko sa ginawa kong panlilinlang.

“Lahat ng bumili ng tickets para sa ‘Big Event’ ay bibigyan ko po ng refund.”


NO OTHER LEGAL ACTION NEEDED. Samantala, inihayag ng legal counsel ng VAA na si Atty. Tan na hindi na nila itutuloy ang paghahain ng reklamo laban kay Acuna.

Aniya, “We just want na ma-clarify na hindi involved ang Viva at all sa plans ng [supposed] concert sa Bohol.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And that yung mga taong bumili ng ticket expecting na makikita nila sina James at Nadine be given a refund.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN