Angelica Panganiban hesitant to work with boyfriend John Lloyd Cruz: “Feeling ko, hindi ako makakagalaw.”

Marriage for Angelica Panganiban is still far-fetched. The Kapamilya actress says, “I think, mangyayari na lang siya kung mangyayari.”


Matagal na ring magkarelasyon sina Angelica Panganiban at John Lloyd Cruz, pero pareho nilang sinasabi na hangga’t maaari, ayaw nilang magsama sa isang proyekto.

Ganun pa rin ba ang stand nila?

Sagot ni Angelica, “Well, napag-uusapan namin kung siguro comedy.

“Kasi, yung team ng Home Sweetie Home is the same with Banana Split.

“Tinatanong nila kung gusto kong mag-guest.

“Sabi ko, parang hindi ko pa kaya.

"Pero lately, parang hindi ko alam. Parang kinu-consider ko na siya.

"Pero feeling ko, hindi ako makakagalaw!"

Ang Home Sweetie Home ay ang weekly sitcom ni John Lloyd sa ABS-CBN.

Ang Banana Split naman ay ang gag show na kinabibilangan ni Angelica.

Pero ngayon ay Banana Sundae na ang magiging title ng gag show dahil ililipat na ang timeslot nito tuwing Linggo simula sa November 15.

BIRTHDAY SURPRISE. Noong November 4, Miyerkules, ay nagdiwang ng kanyang 29th birthday si Angelica sa set ng ABS-CBN primetime series na Pangako Sa ‘Yo.

May taping sila ng araw na iyon kaya hindi siya nagkaroon ng selebrasyon, pero sinorpresa naman daw siya ng mga kasama niya sa programa.

Kuwento ni Angelica, “Nasa work ako, nasa taping.

“Pero ano naman, kahit naman staff, may birthday sa set, binibigyan naman ng mga paandar.

“Nakakatuwa lang kasi, pagdating ko sa set, walang bumabati sa akin.

“Parang hello, ganun lang, tapos parang mainit ang ulo nilang lahat.

“Parang, 'Ba’t ganun? Dapat masaya kami kasi birthday, parang pagod naman ang mga kasama ko.'

“Tapos sabi ng kasama ko, ‘May magpapa-picture daw po sa taas.’

“Sabi ko, 'Ang layo naman, magpapa-picture, sa taas pa?'

“Buti na lang hindi ko sinabing mamaya na, buti na lang sumama ako.

“Pag-akyat ko, may surprise pala sila, may pa-lechon sila, banner, balloon.

“Sabi ko, 'Ay, nakakatuwa naman!'”

Hindi raw talaga inisip ni Angelica na may sorpresa sa kanya ang production at cast ng Pangako Sa 'Yo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi talaga,” saad niya.

Baka ngayong Sabado, November 7, sila mag-celebrate ni John Lloyd kung maaga matatapos ang mga trabaho nila.

“Baka kumain kami sa labas or baka magluto-luto na lang, yun naman ang hilig namin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN