Angelica Panganiban on JM de Guzman: "Talagang nakakapanghinayang, pero malay mo, happy siya."

Angelica Panganiban on JM de Guzman: "I don’t have any right na magsalita tungkol sa may pinagdadaanan ba siya ngayon or kung anuman ang trip niya ngayon, di ba? Basta kung kailangan niya ng kaibigan, alam naman niyang nandito lang ako. Alam niyang marami siyang naging kaibigan."


Kinamusta ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Angelica Panganiban si JM de Guzman, na naging kapareha niya sa hit indie film na That Thing Called Tadhana.

Sa pagkawala ni JM sa ABS-CBN afternoon soap na All Of Me at sa mga naglalabasang balita na diumano’y may pinagdadaanan na naman ang aktor, ano naramdaman ni Angelica?

Pahayag ng Kapamilya actress, “Well, hindi ko alam kung saan ko ilulugar ang sarili ko, kasi siyempre, kaibigan lang naman ako.

“I don’t have any right na magsalita tungkol sa may pinagdadaanan ba siya ngayon or kung anuman ang trip niya ngayon, di ba?

“Basta kung kailangan niya ng kaibigan, alam naman niyang nandito lang ako.

"Alam niyang marami siyang naging kaibigan."

Dagdag ni Angelica, “Siguro ang masasabi ko lang, yung ganung chance, bihirang mangyari yun lalo na sa industriya natin.

“So, talagang nakakapanghinayang, pero malay mo, happy siya.

“Malay mo, talagang ayaw niya ang ginagawa niya... hindi ko alam, e, mahirap magsalita.

“Tulad nga ng sinabi ko, hindi ko rin maa-appreciate kung may pinagdadaanan ako, tapos may ibang taong sasagot for me.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN