Gov. Vilma Santos warns Angel Locsin against taking on Darna

Gov. Vilma Santos once more expresses desire for a grandchild from son Luis Manzano and his girlfriend Angel Locsin. “Sa tinagal-tagal ng panahon, I think it’s about time… not Lola, Momsie. Si Luis ang tawag sa akin, Momskie. Eto sa apo ko, Momsie,” says the Star For All Seasons.


Sang-ayon si Batangas Governor Vilma Santos sa desisyon ni Angel Locsin na huwag nang gawin ang movie remake ng Darna.

Ito sana ang ikalawang pagkakataong gagampanan ni Angel ang papel bilang Darna, pagkatapos ng telefantasya ng GMA Network noong 2005.

Si Vilma naman ay apat na beses gumanap na Darna: Lipad, Darna, Lipad (1973),Darna and the Giants (1973), Darna and the Planet Women (1973), at Darna at Ding (1980).

Saad ng Star For All Seasons, “Kasi nag-usap din kami sa shooting.

"Nagkaroon kasi siya ng attack, e, sa likod, sa spine.

“Bago kami pumunta ng Europe noon, nagkaroon siya ng attack.

“Hindi talaga siya nakatayo.

“Aalis na ako the next day tinawag pa sa akin ni Lucky [Luis Manzano, Vilma's son], nasa ospital si Gel.

“Dinala ng ambulansiya dahil hindi nga makatayo dahil doon sa likod niya.

“Tapos noon, pagbalik namin, nagsu-shooting na kami, masakit pa rin ang legs niya. "

Ang tinutukoy ni Vilma ay ang ginagawa nilang pelikula ngayon ni Angel para sa Star Cinema.

Patuloy niya, “And then, humingi siya ng ano sa akin… gusto niyang gawin talaga yung Darna.

“Pero with what happened to her, ano raw ba ang puwede niyang gawin?

“Nalulungkot siya kasi hindi niya magawa yung Darna.

“Isa lang naman ang sinabi ko, ‘Gel, hindi mo naman kailangan pang pilitin ang sarili mo.

“‘Health mo ‘yan, e, number one is health.

“‘Plus, nagkaroon ka na ng ganyang attack, e, ang Darna isinasabit ‘yan.

“‘Aksyon ‘yan, hindi mo isusugal ang health mo sa ganyan, di ba?

“‘Wala ka naman dapat ipagmalaki dahil kilala ka na rin as Darna.

“‘Kapag ibinigay ang mga pangalan ng Darna, isa ka na sa Darna.

“‘So, you don’t have to prove anything… huwag mo nang isugal ang health mo.

“‘Kung ikaka-delikado mo ‘yan, then don’t do it.

"'Hindi naman ang buhay mo sa showbiz, Darna lang, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“‘Baka mas mabigyan ka pa ng relevant films, not necessarily action film na nakataya naman yung spine mo sa likod, di ba?’"

Ayon pa kay vilma, “She can do relevant films, with her maturity, with her age now, she can do relevant films; she’s a very good actress.

“Kaya lang, siyempre masakit lang din sa loob niya kasi talagang plinano yung Darna for her.

“Nag-reduce siya, nagpapayat na.

"Kaya lang, kung ganoong meron siyang diperensiya sa spine...

“Hindi bale kung drama, action ‘yan, isasabit ka niyan.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanyang opisina sa Kapitolyo, sa Batangas City, noong mismong kaarawan niya nitong Martes, November 3.

WISHING FOR GRANDCHILD. Para na rin ba sa magiging anak ni Angel at ng nobyo nitong si Luis?

“Dapat silang mag-baby ni Luis,” diin ni Vilma.

“At saka sabi ko pa sa kanya, ‘Huwag mong isugal ang health mo. Unang-una, importante magkaanak kayo.’”

Ano ang isinagot sa kanya ni Angel?

“Sabi niya, ‘Totoo naman yun.’ Okey naman si Gel,” sambit ng actress-politician.

Ano ang reaksiyon ni Governor Vi sa sinabi ni Angel na kinu-consider na siya nito bilang mother-in-law?

Aniya, “E, si Gel, kasi pamilya na rin siya.

"Kung tawagin man niya akong mother-in-law, walang masama.

“Kasi itinuturing ko na rin siyang ano, e, manugang, di ba?

“Ipagdasal na lang natin maging tama na ang desisyon nilang dalawa ni Lucky.

“At the end of the day, it’s their decision, not ours.

“Pero kung maging manugang ko, dyusko, why not?

“Sa tinagal-tagal ng panahon, I think it’s about time.”

Handa na ba siya maging lola ng anak ni Luis?

“Oo naman... not lola! Momsie!

“Si Luis, ang tawag sa akin, Momskie.

"Eto sa apo ko, Momsie."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN