Sen. Grace Poe is Nora Aunor's presidential bet: “Ramdam mo ang sinseridad.”

Superstar Nora Aunor explains why Senator Grace Poe is her presidential bet: “Noong tumatakbo pa lang siyang senador noon, nakita ko na sa kanya na magiging mahusay siyang leader. Ganyan ang kailangan ng mga Pinoy ngayon, yung alam mong mapaninindigan ang mga ipinapangako nila.”


Kung mayroon mang susuportahan na presidential candidate si Nora Aunor sa 2016 elections, ito ay si Senator Grace Poe.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Superstar sa taping ng GMA-7 teleserye na Little Nanay sa Sta. Ana, Manila, noong November 5, sinabi ni Nora na si Senator Grace Poe lang ang nakitaan niya ng pagiging totoo sa mga kandidato sa pagka-pangulo ng bansa sa 2016.

“Hindi lang dahil sa kaibigan ko ang mga magulang niya na sina Ate Susan [Roces] at Kuya Ronnie [Fernando Poe Jr.].

"Alam ko sa simula pa lang ay talagang maaasahan mo na si Grace.

“Noong tumatakbo pa lang siyang senador noon, nakita ko na sa kanya na magiging mahusay siyang leader.

“Maraming may gusto sa kanya, e. Tapos, kung magsalita siya, ramdam mo ang sinseridad.

“Ganyan ang kailangan ng mga Pinoy ngayon, yung alam mong mapaninindigan ang mga pinapangako nila,” diin ni Nora.

Willing daw si Nora na ikampanya si Senator Grace kung maiimbitahan siya nito.

Saad ng Superstar, “Ay, oo naman! Walang problema sa akin.

"Basta may invitation tayo mula sa kanya, buong puso kong ikakampanya si Grace.

“Tayo naman, doon tayo sa kilala natin at alam mong may magagawa.”


DISAPPOINTED. Ikinuwento rin ni Nora na nagkaroon siya ng hindi magandang experience sa isang presidential candidate nang lapitan niya ito para hingan ng tulong.

“Pumunta pa ako sa opisina niya.

“Nandoon naman ako, hindi para sa sarili ko. Para iyon sa isang grupo ng tao na tinutulungan natin.

“Hinarap naman niya ako. Sinabi ko naman ang pakay ko. Para iyon sa isang foundation na tinutulungan natin.

“Ayun, umuwi akong luhaan.

“May ibang tao kasi, puro salita lang, walang gawa.

“Ramdam ko naman noong kinakausap niya ako, ang dating talaga niya ay pulitiko.

“Kaya simula noon, alam kong walang maaasahan sa taong ito.

“Mahirap umasa sa taong puro pangako lang at puro salita lang.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN