JM de Guzman and Jessy Mendiola jokingly call each other “sakit sa ulo”

Sinabi ni JM de Guzman sa kanyang Instagram post ngayong weekend na nami-miss niya ang ex-girlfriend na si Jessy Mendiola. Binati rin ni JM si Jessy sa bago nitong soap opera.


Tila napanatili nina Jessy Mendiola at JM de Guzman ang kanilang pagkakaibigan sa kabila ng kanilang paghihiwalay sa ikalawang pagkakataon.

Sa katunayan, maikli pero may halong pagbibiro ang mensahe nila sa isa't isa sa social media.

Nagawa pa nina JM at Jessy na tawagin ang isa't isa na “sakit sa ulo.”

Pero halatang may halong biro ang kanilang mga mensahe.

Ngayong Linggo, November 8, nag-post ng pagbati si JM kay Jessy para sa kanyang primetime teleseryeng You're My Home, na magsisimula nang ipalabas sa ABS-CBN primetime bida sa November 9.

Ipinost ni JM ang isang larawan na magkasama sila ni Jessy at nilagyan ng caption na: “Wanted: I miss you. :) Ang paboritokongsakitsaulo. Congrats sa soap. :)”

Wanted: i miss you.:) ang paboritokongsakitsaulo. Congrats sa soap. :)

A photo posted by Jm De guzman (@1migueldeguzman) onNov 7, 2015 at 12:18pm PST

Sumagot si Jessy sa comment section: “Mas sakit ka sa ulo. Salamat.”

MUTUAL DECISION. Samantala, sinabi ni Jessy sa press conference ng You're My Home noong nakaraang linggo na napagdesisyunan nila ni JM na maghiwalay upang mag-focus sa kanilang trabaho.

Ayon kay Jessy, mahirap para sa kanilang dalawa na hatiin ang oras sa trabaho at sa relasyon.

Sinabi rin ni Jessy na may communication pa sila ni JM kahit hiwalay na sila.

Pahayag ni Jessy, “Ako, I would like to believe that we are friends.”

Read: Jessy Mendiola finally speaks up about second breakup with JM de Guzman


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN