Ogie Alcasid refuses to reveal identity of his presidential bet in 2016 elections: "Basta, nasa tamang daan pa rin naman."

Ayon kay Ogie Alcasid, go signal na lamang ng napipisil niyang kandidato sa pagka-Pangulo ang kanilang hinihintay upang ihayag na niya ang pangalan nito.


May napili nang susuportahang presidentiable ang singer-comedian na si Ogie Alcasid para sa 2016 elections.

Kaso, hindi pa raw niya ito puwedeng pangalanan sa ngayon.

Sabi ni Ogie, "Antayin ko na lang yung time na pinapag-announce na kami.

"Hindi pa daw puwede, e, sabi ng aming tinulungan.

"So, pag ready na kami, yun."

Hirit na tanong ng PEP: Anong daan?

Natatawang sagot ni Ogie, "Tamang daan pa rin! Dating daan.

"Basta malapit na 'yan. Hindi naman namin ipagkakaila 'yan.

"Hintay lang ng go signal. Kami, sumusunod lamang sa kanila."

Ano ba ang mga katangian ng kandidato sa pagka-Pangulo ang hinahanap niya para suportahan?

Saad ng Kapatid star, "Yung doer. Hindi lang salita, doer.

"Sa dami ng problema ng bansa natin, e, maraming kailangan ng trabaho, e. Yung mga mahihirap.

"Yun lang, mabigyan natin ng trabaho yung mahihirap.

"Siyempre pumapangalawa diyan yung basic services natin—health, traffic, MRT.

"Pumapangatlo na lang siguro yung pagbaba ng income taxes.

"Kasi yung kurapsiyon... ewan ko, sa lahat ng society ay meron na ngayon.

"Ang kagandahan lang ngayon, naisisiwalat kahit papa'no dahil sa social media."

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ogie sa presscon ng Elements Music Camp, nitong Lunes ng tanghali, November 9, sa Tao Corporate Center, Makati City.

Tatayong isa sa mentors ng Elements Music Camp si Ogie sa gagawing limang araw na pagtitipon ng aspiring at professional singers sa darating na November 15 to 19, sa Hacienda Isabella, Indang, Cavite.

PART OF CHANGE. Bilang isa sa contract stars ng TV5, ano naman ang masasabi niya sa nangyaring major retrenchment sa Kapatid network?

Ayon kay Ogie, "It's part of change e, I suppose.

"It's part of trying to get the right formula. It's part of getting the right team.

"Siyempre our bosses want results.

"Obviously, we are a very young network so results can come very slow.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"You can only do your best so it's part of both."

Sa ngayon, masaya sila sa takbo ng kanilang Sunday noontime show na Happy Truck Ng Bayan.

Sa darating na November 25 naman daw ay magkakaroon ng trade launch ang TV5 upang ipakilala ang bagong shows ng istasyon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN