Gabrielle Concepcion reveals she has not met dad Gabby's ex-wife Sharon Cuneta

Gabrielle Concepcion on meeting her dad's former wife Sharon Cuneta: "Hindi pa po kami nagmi-meet. Pero okey naman. I’m not closing the door to anything. Kung gusto niya po na ma-meet ako, I would also like to meet her. Siyempre, whoever is important in my sister’s [KC Concepcion] life.”


Hangga't maaari, ayaw sana ni Gabrielle Concepcion na isipin ng tao na palagi siyang nasa “shadow” ng mga magulang niyang sina Gabby Concepcion at Grace Ibuna.

Pero hindi lang sa magulang niya puwedeng maikumpara si Gabrielle kundi sa nakatatanda niyang kapatid na si KC Concepcion.

Ani Gabrielle, “Yung comparison naman po will always be there. Napag-usapan na rin po namin ‘yan ng ate ko, and sabi nga po namin, we should always keep our communication lines open.

“Kung may marinig kami, kakausapin muna namin ang isa’t-isa para clear, walang issue.

"So yung comparison, nandiyan lang po. We know that it’s there. It’s a matter of how I’ll accept it or how I’ll deal with it.”

Kumakain sila ni KC sa labas, at pumupunta si Gabrielle sa bahay ng nakatatatandang kapatid.

"The last time na nandito si Cloie [anak ni Gabby kay Jenny Syquia], she brought me and Cloie with her sa event niya.

“It’s a very nice feeling kasi hindi naman kami lumaki together pero kapag nagkikita-kita kaming magkakapatid, it’s as if we grew up in one home,” kuwento ni Gabrielle.

RELATIONSHIP WITH GABBY. Ayon kay Gabrielle, maayos ang relasyon nila ng kanyang ama.

Nagkakasama ba silang dalawa at nagba-bonding?

“Opo, kami po ni Papa, last time naming mag-usap was before akong umuwi which is last month. Nagkataon naman po kasi na pag-uwi ko, siya naman ang pumunta roon [sa States], so nagkasalisi ulit kami.

“Pero lately, hindi po kami nagkikita. Busy siya, busy ako. Busy po lahat,” nakangiting tugon ni Gabrielle.

HAPPY FOR PARENTS. Masaya raw si Gabrielle na maayos na rin ang relasyon ng mga magulang niya.

“Whatever it is na nangyari before, okey na po yun. At saka, it’s good din na my parents are friends.

"It makes my relationship with my family and my dad easier rin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Okay rin ba ang relasyon ni Gabrielle sa mommy ni KC na si Sharon Cuneta?

Tugon ni Gabrielle, “Hindi pa po kami nagmi-meet. Pero okey naman.

“I’m not closing the door to anything. Kung gusto niya po na ma-meet ako, I would also like to meet her.

“Siyempre, whoever is important in my sister’s life.”

Hindi daw nila pinag-uusapan ni KC ang kanya-kanya nilang magulang.

Sabi ni Gabrielle, “E, since madalang lang po kaming magkita ni Ate, siyempre, yung focus namin, sa isa’t-isa.”

NO LOVE LIFE. Zero daw ang lovelife niya. Nagkaroon lang daw siya ng boyfriend noong college na siya.

Mula noon, wala na raw naging boyfriend si Gabrielle.

Biro niya, “Puro date-date lang po. Uso na yata ngayon yun, no commitment.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang dalaga noong nag-contract signing ito with Warner Philippines.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN