Ken Chan jokes about his girlfriend: “Mas maganda po ako sa kanya.”

Ken Chan plans to take a break from gay roles when his ongoing teleserye Destiny Rose finishes. In the teleserye, Ken plays a transgender woman.


Pag natapos ang pinagbibidahan niyang GMA-7 afternoon teleserye na Destiny Rose, sinabi ni Ken Chan—gumaganap bilang transgender woman sa programa—na hindi muna siya tatanggap ng gay roles.

“After ng Destiny Rose, plano po sa akin ng GMA at Artist Center at ng production ng Destiny Rose na matatagalan o baka hindi na po ako gumawa ng ganitong role,” lahad ng binata sa pocket presscon sa GMA-7 compound nitong Martes, November 10.

Swerte rin daw si Ken na mayroon siyang girlfriend na nauunawaan ang kanyang trabaho.

Hindi ibinunyag ng binata ang identity ng kanyang girlfriend pero anim na buwan na raw silang magkasintahan, at isang commercial model ang dalaga.

Sa tanong kung ano ang reaksiyon ng kanyang girlfriend sa karakter nito sa Destiny Rose, sagot ni Ken, “Tawa lang siya nang tawa sa akin.

“Pero napaka-supportive naman po niya.”

Sundot na biro pa ni Ken, “Mas maganda po ako sa kanya.”

Ngayong Biyernes, November 13, makikita na ang transformation ni Ken bilang “babae.”

MARIAN AND CARLA. Sino ang naging peg ng aktor sa karakter niya sa Destiny Rose?

“Hindi po ako nag-peg ng isa. Para po mabuo ko si Destiny Rose, kung paano tumawa, kung paano umiyak, nag-peg ako ng iba-ibang babae.

“Kunwari kung paano umiyak si Marian Rivera, kinuha ko yung iyak ni Marian Rivera, gano’n siya umiyak .

“Kung paano tumawa si Carla Abellana, yun ang ginagawa ko.

“Kasi kung gagaya po ako, magpe-peg ako ng isang babae, baka magaya ko siya o baka pag sinabihan na, ‘Acting ni ano ito.’

"So ang ginawa ko, nagtagpi-tagpi ko ang mga nagagalingan akong babaeng umarte para mabuo ko si Destiny Rose."

DRAINING. Matagal na pinaghandaan ni Ken ang kanyang “transformation” bago maging si Destiny Rose.

Ilang buwan din siyang nagsanay sa paglalakad, pagsasalita, maging sa physical preparations upang maging “babae.”

“Every taping na ginagawa ko, sobrang drained po talaga ako physically, emotionally drained po.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Physically dahil ang dami pong nakakabit sa ‘kin, ang dami kong kailangang gawin para maging babae: pagsusuot ng wig, nakatirintas yung buhok, paglalagay ng wig, 'tapos magsusuot ka ng balakang, beywang, breast, butt, lahat…

“Nakadamit ka ng pang-ano 'tapos nakaipit ang tiyan mo the whole day, gagawin mo yon.

“'Tapos pagtanggal ko 'yon, parang drained na drained talaga ako.

“Then kasabay pa no'n yung emotional part na kailangang isipin, na-internalize na babae ako the whole day.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN