Priscilla Meirelles on Janice de Belen: ??I salute her for being a good mom.??

IMAGE Arniel C. Serato

Ayon kay Priscilla Meirelles, walang naging problema sa kanila ni Janice de Belen, ex-wife ng asawa niyang si John Estrada. Civil daw sila ni Janice kapag nagkikita at saludo naman siya sa maayos na pagpapalaki ng apat na anak nito kay John.


Nagsimula nang rumolyo ang kamera para sa teleserye ng ABS-CBN. Be My Lady.

Magkasama rito sina Priscilla Meirelles at Janice de Belen—dalawang babaeng parehong may kaugnayan kay John Estrada.

Si Priscilla ang asawa ngayon ni John at ina ng kanyang bunsong anak na si Anechka.

Si Janice naman ang unang asawa ng aktor kung saan mayroon siyang apat na anak.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Priscilla ay kinumusta namin ang pakikipagtrabaho nila ni Janice.

Sagot ng dating Miss Earth, “Si Miss Janice naman, very professional.

"Of course, hindi kami kaibigan, hindi kami enemies or anything like that.

“She was married to my husband… the ex-wife of my husband.

“We don’t have a problem from the beginning, from dati pa, we always… wala kaming problema.

"Of course, it just happens that now, I’m the asawa ni John Estrada.

"And she’s no longer... hiwalay na sila, tagal na.

“Annulled na sila eleven or twelve years ago... that was 2001.

"And I entered the picture 2007 na, so we don’t have really any kind of problem."

Sa ngayon, civil na maituturing ang kanilang samahan dahil na rin sa mga anak ni John kay Janice na sina Ina, Moira, Kayla, at Yuan.

Dagdag pa ng Brazilian beauty queen, “Ang nagbi-bridge between the two of us… the kids.

"I love the kids, they’re very good kids.

"I salute her for being a good mom and I salute John for being a good dad; the kids are very well brought up.

"I have a very good relationship with them, and I believe that’s known to her because it's her kids.

"And because of that... we’re very civil and kung magkikita kami sa isang event, ‘Hi, hi. Good evening, good night.’

“We’re very polite to each other.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And when we are on the set, of course, nag-good evening ako and ‘Hi, hi.’"

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Priscilla sa launching ng mga bagong Nescafe Dolce Gusto Drop Machines (espresso maker machines) kahapon, November 10, sa Garden Ballroom ng Edsa Shangri-La Hotel, Mandaluyong City.

 

MANAGING JOHN. Ibinahagi rin ni Priscilla na siya na ngayon ang nagma-manage sa career ng asawa.

Pero ang final decision pa rin daw pagdating sa mga tatanggaping trabaho ay manggaling pa rin sa asawa.

Sabi ni Priscilla, “Siya kasi ang may mas alam sa industriya.

"Of course, I give my piece of advice.

"Whatever he’s comfortable with, whatever he’s happy with, we go for it."

Mag-aapat na taon na ang panganay na anak nila ni John na si Sammantha Anechka, kaya naman may mga nagtatanong kung kailan nila ito balak sundan.

Sagot ni Priscilla, “Yung asawa ko, gustung-gusto talaga ng isa pa.

"Ang gusto niya next year kasi masyado na malayo na ang gap.

"Sabi ko sa kanya, meron akong gawin na serye, so maybe after.”

Hindi na rin daw siya nagseselos sa asawa dahil guwapo raw talaga ito at wala na siyang magagawa dun.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN