Alden Richards on singing the theme song of GMA's Christmas station ID: "Grabe siya!"

Alden Richards on being chosen to sing the theme song of GMA Network's Christmas station ID this 2015: “It’s a blessing po. I just receive it wholeheartedly with humble heart. That’s how I accept it.”


“Dyusko, hindi ko po ini-expect ‘yon!”

Ito ang sambit ni Alden Richards sa pagkakapili sa kanya na kumanta ng theme song ng Christmas station ID ng GMA Network.

Ang titulo ng kanta ng Christmas station ID ng Kapuso network ngayong 2015 ay “MaGMAhalan tayo Ngayong Pasko,” na isinulat nina BJ Camaya at Clare Yee at nilapatan ng musika ni Simon Tan.

Read: Alden Richards sings theme song of GMA Network's Christmas station ID

Sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at YES!, ikinuwento ni Alden kung paano niya natanggap ang balitang siya ang kakanta ng theme song ng Kapuso Christmas station ID.

“The day before the shoot… ay, hindi, parang a few weeks na pala... Ms. Reggie Bautista [GMA vice president for program support] called me, asked me if I could sing the song.

“Sabi ko, ‘Sigurado po ba kayo? E, hindi naman po ako singer. Baka hindi ko mai-deliver yung…’

“‘Yes, yes, we want you to sing the Station ID.’

“‘Sige po, I’ll find the schedule.’

“Nung nakita ko yung end product, sabi ko, ‘Wow, this is something else!’”

Ini-record daw ni Alden ang nasabing kanta nung mismong araw na kinunan ang eksena nila ni Maine Mendoza para sa Christmas station ID ng GMA.

Ipinalabas naman ang recording session niya pagkatapos ng dalawang araw.

“So, nagulat po ako,” sambit pa ni Alden.

Ano naman ang masasabi ni Alden na kung noong mga nakaraang taon ay ang pinakamagagaling na singers (gaya nina Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Jaya, at Janno Gibbs) o maraming Kapuso stars ang kumanta ng theme song ng Christmas station ID ng GMA Network, ngayong taon ay solo lamang siya?

“Grabe siya! Grabe siya!” medyo napasigaw na sagot ng Pambansang Bae.

Pero dagdag ni Alden, “Well, it’s a blessing, it’s a blessing po.

“I just receive it wholeheartedly with humble heart. That’s how I accept it.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bagamat sinasabi ni Alden na hindi naman siya lehitimong singer, ang dalawang music albums niya—Alden Richards at Wish I May—ay pareho nang Platinum records.

Bukas, November 12, magsisimulang mapanood ang GMA Christmas 2015 station ID, kung saan kasama rin si Alden ang kanyang ka-love team na si Maine Mendoza.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN