Kylie Padilla admits she likes Martin del Rosario; not bothered by rumors about his sexuality

Kylie Padilla reveals what she likes about Martin del Rosario: "He’s not afraid to… kasi, di ba, ang man daw, di nagpapakita ng emosyon."


Noong una ay nangingimi pa si Kylie Padilla na sabihin kung sino ang nagugustuhan niyang lalaki na taga-showbiz.

Pero sa pamimilit sa kanya ng ilang press ay inamin din niyang ito ay walang iba kundi si Martin del Rosario, ang kanyang leading man sa GMA-7 afternoon teleserye Buena Familia.

Pero nilinaw ng Kapuso actress na hindi ito nangangahulugang gusto na niyang pumasok sa isang relasyon.

“Close talaga kami ni Martin,” pag-amin ni Kylie, sa launching niya bilang bagong endorser ng Relumins soap and lotion beauty products, nitong Martes, November 11.

Taglay raw ni Martin ang hinahanap na katangian ni Kylie sa isang lalaki—ang pagiging matalino.

“Matalino rin si Martin, in fairness sa kanya.”

Nade-develop na ba siya sa kanyang kapareha?

Sagot ni Kylie, “Wala pa ako dun sa point na gusto kong maging tayo na... tingnan natin.”

Tungkol naman sa status ng kanilang relasyon, sabi ng 22-anyos na aktres, “Sobrang walang effort lang.

"Puwede akong di naka-make up, di nakaayos, pero kumportable pa rin ako.”

Puwede ba niyang maging boyfriend si Martin?

“Maganda 'yon. That’s a foundation. Yun ang gusto natin.”

RUMORS. Ano ang pumipigil sa kanyang pumasok sa isang relasyon, lalo pa’t may nagugustuhan siya ngayon?

“Ako lang,” sagot ni Kylie.

Hindi raw masabi ni Kylie kung nanliligaw ba sa kanya ang binata, pero hindi raw ito importante.

“Para sa akin, friends lang, pero siyempre masaya na. Masaya na kami.”

Ano naman ang nagustuhan niya kay Martin?

“He’s not afraid to… kasi, di ba, ang man daw, hindi nagpapakita ng emosyon?

"Siya, he’s not scared."

Inusisa rin si Kylie kung aware ba siya sa mga isyung kumukuwestiyon sa pagkalalaki ni Martin.

Aniya, “Actually, masaya kami.

"I’m not thinking, 'Magiging boyfriend ko ‘to.'

“If ever man na totoo ang mga ganyan, I accept him the way he is.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yun ang totoong magkaibigan."

Pero kung si Kylie raw ang tatanungin, wala siyang nakikitang basehan sa ipinupukol na intriga kay Martin.

Naniniwala siyang lalaki talaga si Martin?

Mabilis na sagot ni Kylie, “Oo.”

Nararamdaman ba niyang may feelings din para sa kanya si Martin?

Sabi ni Kylie, “Di ko alam. Siya tanungin niyo.

"Feel ko naman na true friend ko siya."

Speaking of boyfriend, ibinahagi rin ni Kylie na hindi siya inuusisa ng kanyang amang si Robin Padilla pagdating sa kanyang love life.

“Siguro nakikita niya sa akin ngayon na wala dun ang utak ko, kasi di na namin napag-uusapan, e.

“Masaya lang kaming magkasama.

"Di na namin napag-uusapan, ‘Anak, may nanliligaw ba?’ Ganyan-gayan. Wala.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN