Benjie Paras approves of Yassi Pressman for son Andre: "Magalang yung bata, very accommodating."

"Minsan nagkamali. Usually ang tawag sa akin [ni Yassi] 'Tito.' E, ngayon nagmamadali, ‘Da-a!’ Dad yung sasabihin,” says Benjie, referring to his son Andre's onscreen partner Yassi.


Bukas sa pagsasabi si Benjie Paras na boto siya kay Yassi Pressman para sa panganay niyang anak na si Andre Paras.

Ito ay kung sakaling mauwi sa totohanan ang onscreen love team nina Yassi at Andre.

Ayon kay Benjie, nagustuhan niya ang pagiging marespeto ni Yassi sa tuwing nakakasalamuha niya ang aktres.

“Well, opo naman, dahil nung first time pa lang silang gumawa ng movie, nakikita ko na si Yassi.

“Nagpupunta sila sa bahay, yung barkada nila.

“And una kong nakita is magalang yung bata, very accommodating,” kuwento ni Benjie sa presscon proper ng Wang Fam, na ginanap sa Music Hall, Metrowalk, Pasig City, ngayong araw, November 11.

Dito ay kasama ring humarap sa press sina Andre, Yassi, at iba pang lead stars ng naturang pelikula ng Viva Films.

Bilang magulang, ang nais lang umano ni Benjie ay makitang masaya si Andre sa kung sinuman ang mapusuan nito.

Sabi pa ng beteranong komedyante, “Sa akin, importante mabait at saka yung magiging masaya sila pareho, masaya na ako.”

Ngunit bago natapos ang presscon ay ibinuking din ni Benjie ang minsang pagtawag sa kanya ng “Dad” ni Yassi.

Kuwento ni Benjie, “Minsan nagkamali. Usually tawag sa akin [ni Yassi] 'Tito.'

"E, ngayon nagmamadali, ‘Da-a!’ Dad yung sasabihin.”

Ngunit tanging lang ang isinagot nina Andre at Yassi nang tuksuhin sila sa isa’t isa ng entertainment reporters.

Sa ngayon ay prayoridad daw nilang dalawa ang trabaho.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN