Winwyn Marquez on being wooed by Mark Herras: “Ayoko pong ma-link with anyone or magkaroon ng relationship with anyone.”

Winwyn Marquez is still deciding whether she will be joining another beauty pageant. If anything, she is leaving it to fate: “Nung sumali ako ng Binibining [Pilipinas], biglaan din, e. So, let’s see next year kung ano yung pakiramdam and kung ano yung ibigay ni Lord.”


Dahil magkasama sila sa upcoming primetime series ng GMA Network na Little Nanay, hindi maiwasang usisain si Winwyn Marquez tungkol sa panliligaw sa kanya ni Mark Herras.

“Ayan na naman tayo, e! Hindi na natapos yung kay Mark!” natatawang sabi ni Winwyn.

Ayon sa Kapuso actress, hindi naman siya nagdalawang-isip na tanggapin ang Little Nanay kahit na kasama rin sa cast si Mark na nanligaw sa kanya.

“Wala namang masama, bakit magkakaroon ng apprehension?

“Wala naman, actually I was excited kasi makaka-work ko siya, finally.

“Kasi sina Enzo nakatrabaho ko na, si Sef nakatrabaho ko na.”

Hindi naman na-link sa kanya sina Enzo Pineda at Sef Cadayona.

“No, I mean barkada kasi kami, e,” paliwanag ni Winwyn.

Pero si Mark nga ay na-link at nanligaw sa kanya.

“Wala, hindi... kasi ano, e, kumbaga keri… kasi hindi naman kami.

“Magkaibigan naman kami and excited akong makatrabaho siya.”

Paano kung this time ay mas seryosohin ni Mark ang panliligaw sa kanya, lalo pa't madalas silang magkasama sa taping ng Little Nanay?

Natatawang sagot ni Winwyn, “Bahala na po siya!

"Tingnan natin, hindi ko alam, e."

NOT READY. Hindi raw nagtuluy-tuloy ang panliligaw ni Mark dahil kinausap na ito ni Winwyn.

“Sinabi ko po kasi talaga sa kanya na ayoko, sabi ko I’m not ready for anything.

“Ayoko ng commitment, yung friendship namin sayang… he’s very persistent.

“Sounds showbiz, pero sabi ko, ayoko muna.

"In fairness naman sa kanya, ni-respect niya yun.

“Pero kahit papaano, hindi siya tumigil in a sense... ewan ko sa kanya, hindi ko ma-explain, e.”

Pinigilan niya si Mark na ligawan siya?

“Parang ganun,” pagkumpirma ni Winwyn.

Binasted niya?

"Ang sama naman nung ganun!" at muling tumawa si Winwyn.

Hindi niya type si Mark?

“Hindi naman sa hindi type, choice ko lang po…

"Ayoko pong ma-link with anyone or magkaroon ng relationship with anyone.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Choice ko lang din po iyon…

"Pero si Mark, iba, ewan ko sa kanya."


WOMAN CHASER. Alam daw ni Winwyn na matinik sa babae si Mark.

“Inaasar ko naman po siya na, ‘Bakit ako, hello! Yung mga nagiging girls mo, my God! Hello, ano ba naman ako, bakit?’

"Ganyan, ewan ko sa kanya."

Dagdag pa niya, “Kasi Mark Herras ‘yan, pinapanood ko lang 'yan.”

Winwyn Marquez naman siya, di ba?

“Hindi po, tanungin niyo na lang po siya.

"Kasi ako, hindi ko alam kung ano talaga.

“Hindi ko kasi alam kung talagang… seryoso siyang itutuloy pa niya or anything. Basta!”

Paano kung dahil sa pagsasama nila sa isang show ay itodo na ni Mark ang panliligaw sa kanya?

“Let’s see, I don’t know,” sagot ni Winwyn.

Hindi niya alam kung ano ang chances ni Mark?

“Hindi… ang hirap naman.”

Pero open siya if ever hindi na huminto si Mark sa panunuyo sa kanya?

“Tingnan po natin, tingnan natin talaga, hindi ko kasi masagot kung paano.”

Wala rin daw kaso kay Winwyn kung ang manliligaw niya ay may anak sa pagkabinata na tulad ni Mark.

“Oo, wala namang problema sa akin. I mean, I love kids.

“Kung may anak man yung manligaw sa akin, okay lang…

"You will fall in love, you will eventually accept kung ano talaga yung meron siya, di ba?

“That’s okay, walang kaso.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN