Ogie Alcasid optimistic about change in management of TV5

Ogie Alcasid dedicates new album to his wife, Regine Velasquez, to celebrate their fifth wedding anniversary. Will there be a second honeymoon? “Sa totoo lang, hindi pa kami nakakapag-honeymoon,” he quips.


Aminado si Ogie Alcasid na noong una ay ikinabahala niya ang revamp na kasalukuyang nagaganap sa TV5.

Ang big boss ng Viva Entertainment na si Vic del Rosario ang pumalit kay Wilma Galvante bilang head ng network entertainment.

Ani Ogie sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Ngayon, si Boss Vic ang bago naming boss.

“Tomorrow actually magmimi-meeting kami, meron siyang pinu-propose na bagong show for me.

“Nag-uusap nga kami, gusto niya ng singing contest gaya ng kay Regine [Velasquez, Ogie's wife] dati na Star For A Night.

"Parang gusto niyang ganun ang ibalik."

Patuloy ng singer-comedian, “Nag-usap naman kami ni Ma’am Wilma, sabi niya, 'Nandito pa rin naman ako.'

“At yung show na hawak niya ay nandun pa rin naman ako at saka si Janno [Gibbs], so panatag naman yung loob ko.

“Tuluy-tuloy pa rin ang taping namin, nagkakaroon lang ng transition.

“Okey naman ako, ang mas inaalala ko lang ay yung mga staff at ibang crew namin na mawawalan ng trabaho, di ba?

“Pero sadyang ganun talaga sa TV, di ba?

"So, hanggang makuha natin ‘yan [bagong show], e tuluy-tuloy lang ‘yan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN