Keempee de Leon on Alden Richards and Maine Mendoza: “Walang masama kung maging sila. Basta masaya sila, di ba?”

Former matinee idol Keempee de Leon has this advice to Pambansang Bae Alden Richards: "Enjoy-in mo ngayon 'yan, enjoy-in mo yung fame ngayon. Itong AlDub, lahat ng mga supporters mo, huwag kang makakakalimot, kasi iyon yung naglagay sa iyo diyan."


Isa sa mga host o Dabarkads ng Eat Bulaga! si Keempee de Leon.

Ano ang masasabi niya sa panibagong success ng kanilang noontime show, mainly because of the AlDub tandem nina Alden Richards at Maine Mendoza o Yaya Dub?

Tugon ni Keempee, “We’re grateful, kumbaga, thirty-six years nang proven…

"Nung nagkaroon ng AlDub, lalo nang mas nag-boom ang Eat Bulaga.

“So, thankful kami na naging part din ng Eat Bulaga! ang AlDub, and phenomenal talaga, e!”

Pabor daw si Keempee na maging totohanan ang love team nina Alden at Maine.

“Walang masama kung maging sila, di ba? Basta masaya sila, di ba?

“Lahat ng tao sila ang gustong magkatuluyan.

"So, siyempre kami, all-out support naman kami."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Keempee sa presscon ng Little Nanay, sa Studio 6 ng GMA Network, noong Martes ng gabi, November 10.

Aminado si Keempee na na-shock siya sa success ng AlDub.

“Overnight, ganun na yung nagyari.

"So, lahat na-excite, at the same time overwhelmed din.

“Parang hindi makapaniwala na, wow, yung [Philippine] Arena napuno! I mean, wow!

“Good timing din talaga.”

Sa 55,000-seater na Philippine Arena ginanap ang "Sa Tamang Panahon" concert noong October 24.


ALDEN AND MAINE. Lagi niyang nakakasama si Alden sa Broadway studio tuwing may Eat Bulaga!, kaya tinanong namin si Keempee kung paano niya ide-describe ang Pambansang Bae.

Aniya, “Si Alden very respectful, laging nakikipagkuwentuhan sa amin.

“Pag may mga gusto siyang, let’s say bilhin o ano, humihingi siya ng opinyon. Makuwento!

"Sabi ko, 'Hindi ka ba napapagod... sa mga raket?'” at tumawa si Keempee.

“Nakakapahinga naman daw siya, pero siguro yung energy, bata pa kasi, e.

“Masaya, masaya naman siya, every day talagang yung energy niya, iba.”

Dahil matinee idol din si Keempee noong kabataan niya, may tip o advice ba siyang ibinigay kay Alden?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sinabi ko lang, ‘Enjoy-in mo ngayon 'yan, enjoy-in mo yung fame ngayon.

“'Itong AlDub, lahat ng mga supporters mo, huwag kang makakakalimot, kasi iyon yung naglagay sa iyo diyan.’"

Si Maine naman daw ay hindi pa nakakakuwentuhan ni Keempee.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN