Keempee de Leon still single at 42: "Wala talaga akong time para lumabas."

Keempee de Leon has remained single for the longest time not really by choice. He says, “Wala pa, dahil wala pa akong girlfriend… Darating yun, wala sa edad, kumbaga darating at darating naman, kung meron.”


Bagamat may anak nang dalaga, hanggang ngayon ay wala pa ring asawa ang actor-TV host na si Keempee de Leon.

Aniya, “Wala pa, dahil wala pa akong girlfriend.

“E, wala... well, yung mga kaibigan ko din, sinasabi lumabas ako.

“Wala na rin akong time para lumabas dahil minsan three, four times a week kaming nagte-taping.

“Plus, hindi na rin ako magimik kasi parang kinatatamaran ko na rin.

"Pero iyon, I go out on dates."

Kabilang si Keempee sa cast ng bagong primetime series ng GMA Network na Little Nanay.

Two years ago pa raw huling beses nagkaroon ng relasyon si Keempee, at tumagal daw ito ng isa’t kalahating taon.

Saad ng 42-year-old actor-TV host, “Hindi nag-work, e, may mga differences kami.

“Siyempre yung iba, hindi naiintindihan yung trabaho, yung minsan wala yung time.

“Iyon yung mahirap, yung kumbaga naisusumbat sa akin yung oras, about my work.

“Ayoko yung ganun, ayokong kinukuwestiyon ang trabaho.”


ALL WORK. Hindi ba niya hinahanap na may karelasyon siya?

Sagot ng Eat Bulaga! co-host, “Hinahanap, hinahanap ko naman.

"Iyon nga lang, wala talaga akong time para lumabas.

“Pero may mga date-date, group date mga ganun.”

Hindi kaya mauna pa ang 19-year-old niyang anak na babae na magkaroon ng love life kaysa kanya?

“Huwag naman!” bulalas ni Keempee.

Hindi naman daw siya mahigpit na tatay.

“Nagre-remind lang ako sa kanya, ayaw pa rin naman niya.

"And mahilig pa siya sa mga Justin Bieber, parang bata pa, e.

“May mga friends naman siya, they go out, pero wala pa naman akong naririnig na may boyfriend.”

Ang ina ng anak ni Keempee ay isang non-showbiz girl at nananatili silang magkaibigan kahit may sarili na ring pamilya ito.

Nais din naman daw ni Keempee na magkaasawa.

"Darating yun, wala sa edad.

"Kumbaga, darating at darating naman, kung meron.

“Sa ngayon, talagang wala, e, di magtrabaho ka muna.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN