Angel Locsin hits back at basher for insinuating that she faked her injury

Angel Locsin lashes back at a netizen who accused her of fooling people with her disc bulge injury, which the actress said is her reason for backing out of the Darna movie.


Hindi napigilan ni Angel Locsin na sagutin ang isang netizen pagkatapos siyang tawagin nitong “laos,” akusahan na “pinagloloko” ang mga tao tungkol sa kanyang injury, at “gumagawa ng ingay” para pag-usapan.

Nitong Oktubre, inanunsiyo na hindi na si Angel ang gaganap bilang Pinay superhero na si Darna sa pagbabalik nito sa pelikula sa 2016.

Ito ay dahil sa natamong disc bulge injury ng aktres dulot ng pagti-train para sa role sa nakalipas na dalawang taon.

Read: Angel Locsin will no longer star in Darna movie

Apat na araw na ang nakalilipas, nag-post si Angel sa kanyang Instagram account ng larawan ng isang kettle bell at training gloves na ginagamit sa pag-e-exercise, suhestiyon na balik sa pag-eehersisyo ang aktres.

Never let the body tell the mind what to do??? #kettlebell

A photo posted by Angel Locsin (@therealangellocsin) on

Dahil sa post na ito, sinabi ng isang netizen na "recovering" na si Angel at hinimok ang aktres na ituloy na ang paggawa ng pelikulang Darna.

Binanggit din ng nasabing netizen ang pagbo-boxing ni Angel at ang pagke-kettle ball, na ginagamit sa free-weight lifting.

Sinagot ni Angel ang nasabing netizen at nagpaliwanag na sumakit ang kanyang likod sa boxing, kaya sinubukan naman niya ang kettle ball.

Testing... #roadtorecovery

A photo posted by Angel Locsin (@therealangellocsin) onNov 1, 2015 at 1:08am PST

Idinagdag pa ng aktres na nag-eehersisyo siya para sa sarili at sa kanyang kinabukasan, hindi para sa ibang bagay.

BASHER CALLS ANGEL “LAOS.” May sumunod pang netizen na nag-comment at pinuna ang pagbubuhat ni Angel sa kabila ng pag-anunsiyo nitong meron siyang disc bulge injury.

Tinawag pang “laos” ng netizen si Angel at gumagawa lamang daw ng ingay.

Sinabi pa nitong walang show si Angel at kung hindi pa siya nagpa-interview sa kanyang injury ay hindi siya pag-uusapan.

Hindi ito pinalampas ni Angel at sinagot ang akusasyon sa kanya ng nasabing basher.

Sagot ng aktres: “Hindi naman lahat ng tao mahilig magpapansin kagaya mo. Katulad ng hindi rin naman lahat tamang hinala, kasi hindi naman lahat adik.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sensiya na tamad akong bigyan ka ng ’blow by blow’ sa mga nangyayari sa ‘kin at wala naman akong paki kung maintindihan mo o hindi.”

Binatikos din ni Angel ang basher sa hindi nito pagkakaroon ng magandang asal.

“At saka, hindi naman ako magulang mo para pagsabihan kang basahin uli ang GMRC [good manners and right conduct]. Mukhang marami kang na-miss.

“Pwede ring dasal-dasal rin para walang sapi. Try mo.

“P.S. Dun ka tumambay sa IG ng mga pulitikong may galit ka next time ha? Sila sabihan mo na nanloloko sila at hindi yung nagpapagaling, OK?"

Banat pa ni Angel: “But It’s okay. I understand. I forgive you.

"I just wanna say na sana…sana, eh, magka-TB ka, magka-ketong ka, tadtarin ng alipunga, sama mo na buni at halitosis, pati putok! masama ugali! haduken!

"O sige na, hindi na, halitosis na lang."

Pagkatapos maglabas ng sama ng loob ni Angel, sinabi niya sa kanyang basher na “quits” na sila at “peace na.”

Pero hindi pa tumigil ang basher at tinawag uling “laos” si Angel.

Nagtanong pa ito kung anong susunod na isyu ang palalabasin ni Angel, kagaya ng “buntis” isyu.

Matapos nito ay sinabi ng basher na quits na sila at “peace” na sila.

Nagpasalamat si Angel at sinabihan ang basher na “magpakabait” ito.

Pero sinagot naman ng basher ang ilan sa mga tagasuporta ni Angel na ipinagtatanggol ang aktres laban sa kanya.

Nag-comment uli si Angel at sinabing bawal ang makipag-away sa comment section at hinimok na mag-behave na lang.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN