Comedienne Kakai Bautista gets lucky with heartthrobs Alden Richards and James Reid

IMAGE Cacai Bautista's Instagram account

Maraming inggit na inggit ngayon sa comedienne-singer na si Kakai Bautista dahil nakasama niya sa isang pambihirang pagkakataon ang hottest heartthrobs na sina James Reid at Alden Richards.


Parang tumama sa lotto ang comedienne-singer na si Kakai Bautista dahil nakasama at nakadaupang-palad niya sa isang pambihirang pagkakataon ang dalawa sa hottest male stars sa bansa ngayon.

Ito ay ang Pambansang Bae na si Alden Richards at ang Kapamilya hunk na si James Reid.

Nagkasama ang dalawang sikat na male celebrities mula sa magkalabang networks—si Alden, 23, ay taga-GMA Network habang si James, 22, ay mula sa ABS-CBN—sa launching nila bilang endorsers ng isang prepaid visa card.

Kasama nina Alden at James bilang endorsers si Kakai at ang Kapamilya young actress na si Liza Soberano.

Ginanap ang launching ng Yazz Card sa SM Mall of Asia ngayong Huwebes ng gabi, November 12.

Sinamantala naman ni Kakai ang pagkakataong makapagpakuha ng litrato kasama sina Alden at James, na ipinost pa niya sa kanyang Instagram account (ilovekaye).

Caption niya rito: "Flanked by two of the hottest hearthrobs in the Philippines! My gawd."

At tulad ng inaasahan, marami sa kanyang followers ang inggit na inggit at sinabing sana raw ay sila na lang si Kakai, dahil nakasama nito sa isang litrato ang dalawa sa pinakasikat at pinakaguwapong male stars sa bansa.

Maliban sa pagiging hottest TV stars, tila nagpapaligsahan din sa paramihan ng endorsements sina Alden at James. Kabilang na nga rito ang prepaid visa card na pareho nilang iniendorso.

Sina Alden at James ay parehong kalahati ng dalawa sa pinakasikat na love teams ngayon sa bansa—ang AlDub nina Alden at Maine Mendoza (a.k.a. Yaya Dub) at JaDine nina James at Nadine Lustre.

Bukod sa litrato niyang pinaggigitnaan siya nina Alden at James ay nag-post din si Kakai ng iba pang kuha sa nasabing event, kasama rin si Liza na kalahati naman ng LizQuen (Liza-Enrique Gil) love team:


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN