Andi Eigenmann on Albie Casiño: “I don’t know why he always keeps talking about an issue he’s not a part of.”

Andi Eigenmann on Albie Casiño: "I just don’t understand why there are these people who can manage to talk about an innocent three-year-old child in such a way that akala mo, may nagawa yung bata sa kanya. Nobody, especially in our family, who went up to him and asked him about anything."


Dismayado ang aktres na si Andi Eigenmann dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin daw tumitigil ang dati niyang boyfriend na si Albie Casino sa pagsasalita tungkol sa katauhan ng tunay na ama ng anak ng Kapamilya actress.

Tuwing nai-interview kasi ng entertainment reporters si Albie ay hindi maiwasang tanungin din siya tungkol dito, kaya naman sinasagot niya ito.

Pero sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Andi sa presscon ng upcoming film niyang Angela Markado kahapon, November 13, ay inusisa namin siya tungkol sa mga nakaraang pahayag ni Albie.

Simula ni Andi, “I hope that this will be the last time I’m talking about this.

“My daughter is turning four and will be in big school next year.

“I have a very intelligent daughter who is so sensitive.

“I just don’t understand why there are these people who can manage to talk about an innocent three-year-old child in such a way that akala mo, may nagawa yung bata sa kanya.

“Nobody, especially in our family, who went up to him and asked him about anything.

“I don’t know why he always keeps talking about an issue he’s not a part of.”

Visible si Albie ngayon sa Kapamilya network, bilang bahagi ng primetime series na On The Wings of Love, kaya naitanong namin kay Andi kung hindi ba sila nagkakasalubong ng dating boyfriend.

Ayon sa aktres, “Hindi pa, hindi pa kami nagkikita.

“Actually, last thing I knew, akala ko okey kami.

“Hindi naman kami magkaaway, friends kami, e.”

Paano niya nasabing ‘friends’ sila?

“Hindi pa naman kami nagkita, pero minsan isang beses, nakita ko siya. Nagkaka-text kami.

“I mean, through the years… we’ve been broken up for five years now, siyempre…

“Hindi po kami magkaaway kaya nagulat ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN