Andi Eigenmann on Bret Jackson's new girlfriend Ella Cruz: "Hindi ko siya kilala."

Andi Eigenmann on ex-boyfriend Bret Jackson's love life: “Wala po akong pakialam kung ano ang gusto niyang gawin sa buhay niya basta masaya siya. I’m only for his happiness. He’s still my friend and I care about him a lot. I want him to be happy.”


Nananatili raw magkaibigan sina Andi Eigenmann at Bret Jackson kahit nagtapos na ang kanilang relasyon.

Sabi ni Andi sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “We broke up, hindi kaya, timing, and we realized that we just didn’t work out.

“Bakit mo pa paiiralin ang pride?

“Yun nga, e, bakit mo pa kailangang mag-away, puwede namang okey namang lahat?”

Balitang ang karelasyon ngayon ni Bret na ay si Ella Cruz. Ano ang masasabi niya rito?

“Ay, hindi ko yun kilala!” bulalas ni Andi.

Kinumpirma namin kung si Ella Cruz ang tinutukoy ni Andi na hindi niya kilala.

Ulit niya, “Hindi ko po kilala si Ella Cruz.”

Parehong Viva artists sina Andi at Ella.

“Ay, ganun? E, di welcome,” reaksiyon dito ni Ella.

Paano kung mag-react si Ella sa sinabi niyang hindi niya ito kilala?

“Masama ba? Hindi ko siya kilala, e,” sabi ni Andi.

Ano ang narinig niya nang malaman niyang sina Bret at Ella na?

Sagot ni Andi, “Wala po akong pakialam kung ano ang gusto niyang gawin sa buhay niya basta masaya siya.

“I’m only for his happiness. He’s still my friend and I care about him a lot.

“I want him to be happy.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN