Yassi Pressman on solid friendship of YAndery and JaDine: "We always support each other, and kahit silang dalawa, super support sila sa amin."

Yassi Pressman and Andre Paras hang out with Nadine Lustre and James Reid, "We always support each other, and kahit silang dalawa, super support sila sa amin. We already assured each one na hindi kami papa-apekto sa sasabihin ng ibang tao. And we will keep our friendship."


Nagulat si Yassi Pressman nang tanungin siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng kolumnistang si Leo Bukas tungkol sa kakaibang body language nila ni Andre Paras.

Kapansin-pansin kasi ang sobrang closeness nila sa presscon ng pelikulang Wang Fam ng Viva Films na ginanap sa Music Hall sa Metrowalk nitong November 11.

Kita ng lahat kung paano hagurin ni Andre ang kanyang buhok, yung tapikin niya ang shoulder ng kanyang ka-love team, at ang mga tinginan nilang malalagkit.

Kaya ang tanong sa presscon, ano nga ba ang totoong namamagitan sa kanilang dalawa?

Sagot ni Yassi na halatang hindi inaasahan ang tanong, "Grabe, hot seat, first question.

"Wala munang kumusta, ganun.

"Siguro po, ano, ang laki na nang naging closeness namin.

"Simula pa last year, lalo na ngayong dalawang projects ang ginawa namin together kaya siguro ang laki ng difference.

"Dati po kasi, nakakailang na sabihing, 'Crush ka nito,'" sabay turo kay Andre na katabi lang niya sa panayam na ito.

"Na parang, 'Paano ba ako umarte kapag nandiyan siya?'

"'Dapat ba lumayo ako? O dapat, kunyari ba, deadma?'

"Pero yun nga ang difference kay Andre, hindi ko na kailangang mag-isip kung ano ang dapat kong gawin o dapat kong sabihin.

"Kumbaga, lahat naman kasi kay Andre, 'Ako lang 'to, heto ako, na hindi ko kailangang mag-pretend.'"

STATUS: HAPPY. Sa kabila nito, tila nagpipigil ang panganay na anak nina Benjie Paras at Jackie Forster na ibuwelo nang husto ang nararamdaman niya para sa kanya.

Ramdam ba ni Yassi ito?

"Hindi ko po alam sa kanya. Ikaw, sagutin mo," nakangiting pambubuyo ni Yassi kay Andre.

Sabi pa niya, “Yung sa amin... minsan po kasi, kapag kayo na, masyado nang maraming complications.

"Na kapag dumating na sa boyfriend-girlfriend relationship, nangyayari na yun.

"Sa ngayon, sobrang happy naman kami kung ano man kami ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi na namin pipilitin pa to put ourselves in another place, kasi masaya naman po kami ngayon.

"Kapag di naman po maging masaya sa ganun, siguro ay dadagdagan o babawasan namin.

"Pero sa ngayon, okey naman po kami."

Aminado naman si Yassi na si Andre ang isa sa closest guys sa kanya ngayon.

Sabi ng Viva star, "Yeah, isa nga po siya, aside from my dad.

"We like each other's company, masaya po kami lalo na't kapag magkakasama kami ni Nadine [Lustre] at James [Reid].

"'Pag may time, we hang out together, like punta kami sa house nina Andre."

FUN WITH JADINE. Mabuti at hindi naapektuhan ang kanilang friendship, sa kabila ng malaking tagumpay ng JaDine love team?

Pagsisiguro ng actress/ TV host/ VJ, “Nope po, in fact mas lalong naging solid ang bonding namin.

"Like kami ni Nadine, we really had fun sa [South] Korea.

"Yung ilang days na magkasama kami, mas lalo naming nakilala ang isa't isa, and we're friends forever.

"Marami kaming nai-share sa isa't isa about our lives, our dreams, sa family, sa career.

"And Nadine is one of the nicest persons na talagang nakilala ko."

Lahad pa niya, "Yung sa success ng love team nila, siyempre, super happy kami nina Andre.

"We always support each other, and kahit silang dalawa, super support sila sa amin.

"Sa start pa lang, we already assured each one na hindi kami papa-apekto sa sasabihin ng ibang tao.

"And we will keep our friendship."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN