Ai-Ai delas Alas thankful for revitalized career and blooming lovelife

Sa selebrasyon ng kanyang ika-51 kaarawan, labis-labis ang pasasalamat ni Ai-Ai delas Alas sa Diyos sa muling pamamayagpag ng kanyang karera at sa tinatamasang kaligayahan ngayon sa piling ng 21-year-old partner niyang si Gerald Sibayan.


Marami ang tila nais ipagpasalamat ni Ai-Ai delas Alas sa kanyang ika-51 kaarawan noong November 11.

Sa kanyang Instagram account kahapon, November 12, nag-post ang Comedy Queen ng larawan ng isang kuwintas na may nakalagay na “Gerald-Martina.”

Si Gerald Sibayan ang kasalukuyang boyfriend ng Kapuso star.

Sabi niya sa caption: “MARAMING MARAMING SALAMAT PO FATHER GOD FOR THE GIFT OF LIFE ...

“Yes lahat po ng miracle sa buhay ko ay naibigay nyo na.... kagaya din po ng lahat ng mga pagsubok na nadaanan ko sa buhay...

"Salamat po sa pag mamahal ng anak ko sa akin... Mga kaibigang hindi ako iniwan sa pagsubok, ang aking malusog na katawan...”

Kasunod namang ipinagpasalamat ni Ai-Ai ang muling pamamayagpag ng kanyang karera at ang pagkakaroon ng masayang buhay pag-ibig.

Dagdag pa niya: “Ang pagbangon ko sa aking career at HIGIT SA LAHAT SALAMAT SA PAGBIBIGAY NYO SA AKIN KAY GERALD...mabait mapagmahal at higit sa lahat ay ibinibigay ang lahat ng makakapagpasaya sa akin…

“Naluluha ako pag binibigyan nya ko ng mamahaling regalo kasi naiisip ko d sya kumakain makaipon lang sya ng pera para mabili to... ( pero sabi naman nya kumakain naman daw sya .. Sya pa ba? Hahaha) bumalik tuloy ang luha ko pataas...”

Dasal naman ni Ai-Ai patuloy pang makapagpasaya ng mga tao at hindi mawalan ng kinang ang kanyang komedya.

“Basta LORD AND MAMA. MARY thank you sa lahat at hindi nyo ako pinapabayaan sana ay wag maubos ang magic na ibinigay nyo sa akin upang makapagpaligaya ako ng tao...

"Lalo na ngayung masaya ako sa lahat ng aspeto ng buhay ko sana ay maibahagi ko ang kaligayahang ito sa maraming tao...

"TO GOD BE THE GLORY... HE IS MY KING!! Salamat po amenŸ’šŸ™Â?ŸŒ---- and SAYO AKING DARLING BEBE MARAMING SALAMAT SA GIFT Ÿ˜„Ÿ˜Ÿ˜„Ÿ˜( bipolar lang) i love you so much ... @gerald_sibayan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MARAMING MARAMING SALAMAT PO FATHER GOD FOR THE GIFT OF LIFE ... Yes lahat po ng miracle sa buhay ko ay naibigay nyo na ....kagaya din po ng lahat ng mga pagsubok na nadaanan ko sa buhay... Salamat po sa pag mamahal ng anak ko sa akin... Mga kaibigang hindi ako iniwan sa pagsubok,, ang aking malusog na katawan .. Ang pagbangon ko sa aking career at HIGIT SA LAHAT SALAMAT SA PAGBIBIGAY NYO SA AKIN KAY GERALD...mabait mapagmahal at higit sa lahat ay ibinibigay ang lahat ng makakapagpasaya sa akin.. Naluluha ako pag binibigyan nya ko ng mamahaling regalo kasi naiisip ko d sya kumakain makaipon lang sya ng pera para mabili to... ( pero sabi naman nya kumakain naman daw sya .. Sya pa ba? Hahaha) bumalik tuloy ang luha ko pataas... Basta LORD AND MAMA. MARY thank you sa lahat at hindi nyo ako pinapabayaan sana ay wag maubos ang magic na ibinigay nyo sa akin upang makapagpaligaya ako ng tao... Lalo na ngayung masaya ako sa lahat ng aspeto ng buhay ko sana ay maibahagi ko ang kaligayahang ito sa maraming tao... TO GOD BE THE GLORY... HE IS MY KING!! Salamat po amenŸ’šŸ™Â?ŸŒ---- and SAYO AKING DARLING BEBE MARAMING SALAMAT SA GIFT Ÿ˜„Ÿ˜Ÿ˜„Ÿ˜( bipolar lang) i love you so much ... @gerald_sibayan

A photo posted by Martina Eileen Delas Alas (@msaiaidelasalas) onNov 11, 2015 at 9:20am PST


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN