Pokwang wants another go at having a baby with Lee O'Brien: “Babae o lalake, kahit na ano basta malusog.”

Pokwang is sure Lee O'Brien is the one, “Kasal? Napag-uusapan na namin. Feeling ko siya na talaga... Unang-una, marespeto siyang tao, nirerespeto niya ang culture natin. Yung pamilya nating mga Filipino, yung mga kapatid ko, lalo na yung anak ko."


Naging mabigat man daw kina Pokwang at Lee O’Brien ang pagkakalaglag ng una sana nilang anak, naging daan daw ito para higit pa nilang patatagin ang kanilang relasyon.

Ayon kay Pokwang sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kaniya sa presscon ng Wang Fam nung nakaraang Miyerkules, November 11, plano na nila ng kasintahan na sundan ito agad sa sandaling matapos niya ang showbiz commitments.

Lahad niya, “Oo naman, hangga’t keri pa, hangga’t kering-keri pa, why not?

“Mayroon kaming plano, tinatapos ko muna yung mga bagay na dapat tapusin.

“Babae o lalake, kahit na ano basta malusog.”

Kinuwento sa amin ni Pokwang na sa nangyaring miscarriage niya ay nakita niya kung gaano siya kamahal ni Lee.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakakita siya ng lalakeng umiyak sa harapan niya.

“Ngayon lang ako nakakita ng lalakeng umiyak nung na-miscarriage ako.

“Yung pain, sobra, niyakap niya ako.

“Dahil sa iyak niya, di na ako nakaiyak kasi nakita ko na ang laking tao, humagulgol ng iyak.

“Naramdaman ko yung pain.”

HE’S THE ONE. Ayon sa komedyana ay napag-uusapan na rin nila ng kasintahan ang pagpapakasal.

“Kasal? Mayroon, gulatan ‘yan.

“Napag-uusapan na namin. Feeling ko siya na talaga.”

Ang pagtanggap ni Lee sa anak ay malaking bagay kay Pokwang.

Anu-ano pa ba ang mga espesyal na katangian ni Lee na nagustuhan niya dito?

“Unang-una, marespeto siyang tao, nirerespeto niya ang culture natin.

“Yung pamilya nating mga Filipino, yung mga kapatid ko, lalo na yung anak ko.

“Di ba sinasabi ninyo sa akin, kung magkakaroon ako ng love life, dapat yung anak ko ang una niyang respetuhin.

“At nakita ko sa kanya yun.”

TRUST. Pabalik-balik man ito ng Pilipinas, si Lee ay madalas pa rin sa America kung saan nakabase ang pamilya niya.

Hindi naman daw nag-aalala si Pokwang na baka may mga babaeng nagbibigay ng motibo sa boyfriend at matukso ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tiwala raw ang binibigay ni Pokwang kay Lee.

“Sa relasyong ganyan na malayo kayo, kailangan talaga tiwala, kilala ko naman siyang tao.

“Dati binibiro ko siya, baka may magpi-flirt o whatsoever.

“Sabi niya nakakapagod ang mga ganyan, ‘Waste of time, waste of money.’

“Reserve na lang daw niya ang energy niya… sa akin pa lang daw, napapagod na siya sa katatalak ko.

“Tawa lang siya nang tawa.”

PROJECTS. Hindi tinago ni Pokwang na kinakabahan siya sa magiging resulta ng Wang Fam sa takilya, pero nandun rin ang positibong paniniwala niya na tatangkilikin sila ng mga manonood.

Tampok rin dito sina Benjie Paras, Andrei Paras, Yassi Presman, at Alonzo.

Sa direksiyon ni Wenn Deramas, ang Wang Fam ay mapapanood na sa November 18.

Pahayag ni Pokwang, “Excited at the same time kinakabahan kami.

“Siyempre may mga malalaking pelikula na kasabay, pero naniniwala kami na kami lang ang horror/comedy ngayon.

“Kaya naniniwala kami at nananalig na susuportahan nila ang Wang Fam.

“Si Direk Wenn, first time niya mag-horror/ comedy, pero ako kasi dati with Vhong Navarro, yung D Anothers.

“Magkakaiba lang, yung characters ko dun wala lang, baliw-baliwan, dito naman nanay na aswang.

Mag-asawa sila ni Benjie sa Wang Fam. Unang nakita ang chemistry ng dalawa sa seryeng Nathaniel.

“Di naman ako magtataka kasi si Benjie napakadaling katrabaho, magaan katrabaho.

“Makakapag-adjust ka sa kanya at hahanap-hanapin mo yung kakulitan niya sa set. “

Masayang binalita rin ni Pokwang na kasama siya sa Metro Manila Film Festival 2015 entry ng Star Cinema, ang All You Need is Pag-ibig, na pinagbibidahan nina Kris Aquino at Derek Ramsay.

Si Teacher Cora raw ang karakter niya rito.

Kuwento niya, “Kahapon with the Concio sisters, ang kyu-cute, gusto ko silang iuwi.

“Alam naman natin ang mga Filipino, supportive ang mga 'yan pagdating sa filmfest.

“Saka ang ganda naman ng istorya, nung binabasa ko nga, ang cute-cute ng kuwento.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN