Kylie Padilla saddened by short-lived romance with Rayver Cruz: “Nalungkot ako sa nangyari. Yun ang totoo.”

Kylie Padilla refuses to divulge details about short-lived romance with Rayver Cruz, but says: “Let’s just say, it was fun to get to know him.”


Muling natanong si Kylie Padilla tungkol kay Rayver Cruz, na naugnay sa kanya kasabay ng paggawa nila noon ng pelikulang Dilim.

Naungkat ang isyu sa kanila ni Rayver pagkatapos mapag-usapan ang mga bagong nali-link kay Kylie ngayon na sina Martin del Rosario at Benjamin Alves.

“Hindi ko rin alam, e.

“Yun ang pinaka-tototo! Ayokong magpaka-showbiz,” sagot ni Kylie sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa kanila ni Rayver sa press launch ng bago niyang iniendorsong beauty products mula sa Relumins.

So, ano ang totoong nangyari sa kanila ni Rayver?

Nakangiting sagot ni Kylie, “Mahabang story. Kaya huwag na nating pag-usapan.”

Wala na ba silang communication ni Rayver ngayon?

“Wala na. Nagkukumustahan [na lang],” matipid niyang sagot.

Sino ang unang tumigil sa pakikipag-text?

“Gusto kong magpaka-showbiz pero ayoko!” tawa ng Kapuso actress.

Bakit hindi niya sabihin ang totoo?

“Huwag na! Isyu na naman ‘yan bukas, e! Kaya ayoko nang magsalita.”

Na-turn off ba siya kay Rayver?

“No! Let’s just say, it was fun to get to know him.”

Na-develop naman ang feelings niya noon kay Rayver?

“Hindi ako ang may gusto noon. Ayoko na!

“Ayokong magsalita para sa kanya. Magagalit ang GMA.”

What about kung para sa kanya?

“Para sa akin? Nalungkot ako sa nangyari. Yun ang totoo.”

May na-involve bang ibang babae sa relasyon nila ni Rayver?

“I don’t know... habulin ninyo siya. Hahaha!”

May na-discover ba siyang iba kaya siya nalungkot?

“Basta yun lang po yun, nalungkot ako sa nangyari.”

Nanghinayang ba siya sa pagkakaudlot ng relasyon nila ni Rayver?

“Medyo,” sambit niya.

Paano kung balikan siya ni Rayver?

“Hindi na...

"Hindi, kasi lumipas na. May natutunan na ako.”

Nalungkot siya noong magkahiwalay sila ni Rayver?

“I don’t know... nalungkot ba ako?” tawa na naman ni Kylie.

O iniyakan niya si Rayver?

“Hindi, nalungkot lang.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nalungkot siya dahil mahal na niya si Ryaver pero may sumingit na iba?

“Whooo! Tama na raw!” sabay turo niya sa kanyang handler from GMA Artist Center.

HAPPY FOR ALDUB. Nalungkot din ba siya noong hindi natuloy ang magandang relasyon nila ni Alden Richards, na ngayon ay sikat na sikat na bilang kapareha ni Maine “Yaya Dub” Mendoza?

Sagot ni Kylie, “Hindi. Masaya ako para kay Alden.

“Crush ko nga yun, e... si Yaya Dub, crush ko yun.”

So, tuloy din ang communication nila ni Alden?

“Nag-text ako sa kanya kahapon. Sabi ko, ‘I’m happy for you.’

"Pero nag-iba na yata siya ng number."

Dinedma ang text niya?

"Okey lang naman," pagkibit-balikat ni Kylie.

Nasaktan ba siya na hindi sinagot ni Alden ang text niya?

“Hindi. Naintindihan ko naman na busy siya.

“Marami pa siyang sinabihan. Yun ang point, e!”

Hindi siya nagtampo?

“Hindi naman ako ganoon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN