Gov. Vilma Santos proud of son Ryan Christian's speech at Sen. Ralph Recto's senatorial bid announcement

Bilang isang ina, proud na proud si Batangas Governor Vilma Santos-Recto sa bunsong anak na si Ryan Christian nang magbigay ito ng speech sa announcement ng senatorial bid ng amang si Senator Ralph Recto.


Tuwang-tuwa si Batangas Governor Vilma Santos-Recto sa magandang feedback sa kanyang anak na si Ryan Christian nang mag-represent ito para sa amang si Senator Ralph Recto nang ipinakilala bilang isa sa senatorial bets sa tiket nina Senator Grace Poe at Senator Chiz Escudero para sa 2016 elections.

Hindi kasi nakarating si Senator Ralph kaya si Ryan Christian, 19, ang humalili muna sa kanya.

Kuwento ni Governor Vilma, “I was waiting, nanood ako nang live sa TV.

“Kinabahan ako… alam mo bang lamig na lamig ang kamay at paa ko?

“Pero nang maraming nagbigay ng magagandang comments, we’re proud of him, kinongratulate namin siya.

“Sabi namin, ‘Ryan that was very good.’

“Sabi niya, ‘Definitely with your help, Mom and Dad.’

“Alam naman niya kasi, lagi siyang updated sa mga nangyayari.”

Patuloy ng actress-politician, “Nung kinongratulate namin siya ng daddy niya, isa lang ang sinabi niya, ‘Mom, I think it’s about time I should learn to talk straight Tagalog.’

“Yun ang assignment niya ngayon, dapat matuto siyang magsalita ng straight Tagalog.

“Kaya tina-Tagalog namin siya.”

RYAN’S SPEECH GOES VIRAL. Hindi raw ganun ka-techie si Governor Vilma kaya hindi siya aware na nag-viral ang speech na iyon ng anak at pinuri ito.

Kaya isa raw siyang proud mom sa bunsong anak.

Aniya, “Bihira niyo lang makita si Ryan, pero hindi bago yun sa kanya.

“Saka sabi nila, parang memorized. Of course, siyempre kailangan naman niyang tingnan at may i-memorize.

“Pero hindi bago yun kasi lagi namin pinag-uusapan ang sitwasyon ng bansa, lahat ng sinabi niya, trabaho ng daddy niya.

“But anyway, kung may magiging pulitiko, I think it’s Ryan.”

Inamin naman daw sa kanila ni Ryan na gusto rin nitong pasukin ang public service.

Pero sa ngayon ay naka-focus lang daw muna sa pag-aaral ang anak.

Nasa second year na raw si Ryan Christian sa kursong Business Management sa Ateneo de Manila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Actually, he’s preparing for it. Pero gusto rin niyang sundin ang yapak ng kuya niya,” banggit ni Vilma sa kanyang panganay na anak na si Luis Manzano.

Si Luis ay isang TV host at aktor.

“Kaya sabi ko sa kanya, ‘Ano ba talaga, anak?’

“E, pero siya ang magdesisyon.”

Ngayong nagsisimula nang mag-ikot si Governor Vilma sa Lipa City, kung saan siya tatakbong congresswoman, si Ryan Christian daw ang madalas niyang nakakasama.

Tingin daw niya ay mas suportado ni Ryan ang pangangampanya niya, kesa sa pag-iikot at pangangampanya ng kanyang ama.

“Madalas mas sumasama siya sa akin kesa kay Ralph.

“Kasi, unang-una, malapit. Ang dad niya, kasi national, marami masyado.

“Kaya nandun ang anak ko palagi, kaya madalas siya ang kasama mo.

“Kung gusto niyang mag-campaign, sa akin!”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Governor Vilma bago magsimula ang reception ng kasal nina Keith Teo at Winni Wang sa Shangri-La Boracay nitong Sabado, November 14.

NINANG VI. Si Keith ay anak ng movie producer na si Roselle Monteverde at first apo ng Regal matriarch na si Lily Monteverde.

Ikinasal sina Keith at Winni sa Shangri-La Boracay kahapon, November 14, na sinaksihan ng buong pamilya at malalapit na kaibigan.

Isa si Vilma sa principal sponsors; kasama ang ilan pang kaibigan sa showbiz na sina Mr. Tony Tuviera, Atty. Annette Gozon, Direk Chito Roño, at Direk Joey Reyes.

At sa pulitika naman ay kabilang sa mga ninang si Senator Loren Legarda.

Ninang din sina Charo Santos-Concio at Cory Vidanes ng ABS-CBN, pero hindi sila nakadalo. Si Charo ay isa sa mga hurado sa International Emmy Awards.

Sabi ni Governor Vi, tatlong buwan bago ang kasal ay ipina-schedule na sa kanya ni Mother Lily ang araw na iyon.

Hindi raw siya puwedeng um-absent dahil malapit si Keith sa kanya mula pa nung bata pa ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Malapit din daw si Mother Lily sa Batangas dahil marami itong pinapaaral na Batangueños.

Kuwento ni Governor Vi, “Si Keith, three years old, kasama ko na.

“Si Lucky, five, nagta-travel kami kasama namin ‘yan. Naalala pa niya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN