Enrique Gil jokingly teases how badly he wants to be Liza Soberano's first onscreen kiss: “Baka mag-world war pag hindi.”

Enrique Gil (shown with love team partner Liza Soberano) ponders what makes their tandem click: “Well, sinasabi ko, sa previous love teams ko, iba kasi when you really feel something. That's what makes our partnership different sa iba. Yes, love team kami, pero iba talaga kapag alam mong meron.”


Dumaan na ang LizQuen (Liza Soberano-Enrique Gil) love team sa ilang isyu o problema.

Ganunpaman, ipinapakita nilang matatag pa rin sila.

Para kay Enrique, ano ang nagpapatatag sa LizQuen?

“What makes us strong? Each other, to be honest. Family.

“Every day, you sleep with the people that you love. You wake up with the people that you love.

“At the end of the day, it’s who you are with—your family, the people that you love and your loved ones.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Enrique sa thanksgiving presscon para sa pelikula nila ni Liza na Everyday I Love You noong Biyernes, November 13.

Nagkaroon na rin ng ibang mga ka-love team o kapareha si Enrique, pero tila iba ang LizQuen.

Sa tingin ni Enrique, ano ang sikreto ng kakaibang chemistry ng LizQuen?

Pag-aanalisa niya, “Well, sinasabi ko, sa previous love teams ko, iba kasi when you really feel something. That's what makes our partnership different sa iba.

SPECIAL FEELING. “Yes, love team kami, pero iba talaga kapag alam mong meron.”

Anong meron?

Nakangiti niyang lahad, “Meron, may something o halatang may gusto.

“Kasi, ayoko rin namang masyadong maging close sa leading lady ko. Kasi siyempre ayaw mo siyang guluhin o baka isipin nila, 'Ah, baka for the show lang or showbiz ito.'

“This time, sabi ko, gusto ko siya.”

Biro pa ni Enrique, “Pero siya ang unang may crush sa akin. Kaya nang malaman ko... hindi, joke lang.

“Pero yun, siguro nakikita nilang never pa akong naging ganito sa iba.

“I think, it’s more on yung feeling din ng tao sa isa’t isa. So, if you see something that’s real, people are gonna believe that. So yun.”

SUCCESSFUL MOVIE. Hindi nakapagtataka na ilang linggo nang box-office hit ang Everyday I Love You ng Star Cinema na pinagbibidahan nila Enrique at Liza.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inihayag ng producers ng pelikula na may dalawang linggo pang mapapanood ang Everyday I Love You sa mahigit na 100 theaters.

Ano ang pakiramdam ng mga lead stars sa tagumpay na tinatamasa ng pelikula nila?

Sabi ni Enrique, “It feels awesome!

“Kasi, when we started the movie, we were kind of... not naman scared, but it’s different kasi. It’s more mature roles and we’re nervous.

“Siguro nasanay lang kami sa Forevermore, tapos Just The Way You Are. Alam mo yun? Rom-com.”

KISSING SCENE. Natawa si Enrique nang tanungin namin siya kung nabitin siya sa kissing scene nila ni Liza sa pelikula.

Kuwento niya, “Actually, yung eksena na yun muntikan na talaga. Akala namin si Direk [Mae Cruz], magka-cut.

“Ang tagal mag-cut ni Direk. Pinipisil ko yung kamay niya [Liza] kasi, malapit na. E, natatakot naman kami baka magalit si Direk kung biglang kami ang mag-cut.”

Sobrang lapit na raw ng labi nila sa isa’t isa. Natawa na lang daw si Liza at napa-atras.

Gusto ba ni Enrique na siya ang first screen kiss ni Liza?

“Baka mag-world war pag hindi,” natatawang sabi niya, sabay hirit ng, “Joke lang.”

Dugtong ni Enrique, “Siyempre, feeling ko we made a mark na sa puso ng tao. Sa Forever... then, dito sa Everyday... matagal pa siguro bago masabi.”

BEING PAIRED WITH OTHERS. Okay lang ba kina Enrique at Liza na hindi muna maging magka-love team sa susunod nilang projects?

Sagot ni Enrique, “Depende po sa management. Kasi ako, sanay po kasi ako before na wala akong ka-love team.

“You know, whatever show they give me, trabaho ko yun.”

Pero sanay na rin daw siya na may ka-love team dahil si Liza raw talaga ang matagal na niyang nakasama.

Napag-usapan na ba nila kung ano ang mangyayari sakaling ipareha sila sa iba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad ni Enrique, “Okey lang. For sure, magkikita pa rin naman kami.

“Sana forever na lang.

“Kasi like minsan, kapag may mahihirap na scene, kahit nahihirapan kami, magkatinginan lang kami sa isa’t isa. Kahit tingin lang o hawak lang, mas nakakayanan namin. Yun po.”

Meron nang teleseryeng pagsasamahan sina Liza at Enrique na posibleng simulan sa December at i-eere sa unang quarter ng 2016.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN