Derrick Monasterio confident he’ll make it big at GMA-7: “Kasi konti na lang kami dito.”

Derrick Monasterio is taking up pre-Law in San Beda College in preparation for a political career. But if his star rises to superstardom such as what has happened to Alden Richards, Derrick says, “School can wait naman po, minsang opportunity lang yun na hindi dapat palampasin.”


Five years na sa showbiz industry si Derrick Monasterio.

Bagamat tila mailap pa rin ang todong pagsikat sa kanya, hindi nawawalan ng tiwala ang 20-year-old actor sa GMA Network.

Sabi niya, “May plano naman po sa akin, nag-meeting po kami, may nabanggit sa aking mga project.

“Okey lang naman. Kasi yung ibang artista, after ten years, saka sila nabigyan ng chance or break… pana-panahon lang po.”

Marami rin ang nagsasabing papasa si Derrick sa ABS-CBN kung ang pagbabasehan ay ang kanyang height, porma ng katawan, at kaguwapuhan.

Pero nakapako na raw ang loyalty ni Derrick sa Kapuso network.

Sabi niya, “Feel ko talaga magiging [sikat] ako sa GMA kasi konti na lang kami dito.

"I mean, sino na lang ba kami, yung mga teens dati?

"Kasi po yung iba nagsisitandaan na, yung mga roles nila, iba na.

“May tiwala naman ako sa network, may contract po ako sa kanila.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Derrick sa presscon ng kanyang upcoming indie film na Babaylan: Silip Sa Nakaraan noong nakaraang linggo.


CONTRACT. Five plus five nga raw ang first signing niya sa GMA-7, kaya sampung taon ang kontrata niya rito.

“And then, yung option po [to renew] ay nasa kanila po.

"So, wala pong chance na lumipat din ng ibang istasyon.

“Sa ngayon po, yung kontrata ko, hindi monetary, show po, two shows per year.”

Ang ibang kontrata sa ibang artists ay tinatawag na guaranteed contract.

Sumusuweldo ang mga artista kahit wala silang programang nilalabasan o regular show na matatawag.

Kung ang pagbabasehan ay ang two shows per year na kontrata niya sa GMA, dapat ay dalawa ang kanyang project ngayong taon.

Pero halos magtatapos na ang 2015, ang The Half Sisters lang ang naging show ng aktor ngayong taon; bagamat regular din siyang napapanood sa sitcom na Vampire Ang Daddy Ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paliwanag ni Derrick tungkol dito, “Dahil po ten months ako umabot sa show, considered two shows na raw po yun.

“Four months po yung isang show, tumatagal po ako sa show kaya parang ganun po yung bilang nila sa pagkakaalam ko.”

Hindi ba siya naiinip na after The Half Sisters ay wala pa siyang bagong project?

Sagot ni Derrick, “Sa totoo lang po, sa dami ng pinagkakaabalahan ko ngayon, like school, parang hindi ko po naiisip.

“Kasi kung wala po akong ginagawa, may school po ako e.”

FUTURE LAWYER. Desidido si Derrick na pasukin ang pulitika ngayong itinuloy na niya ang planong pag-aaral bilang preparasyon sa pagkuha niya ng Law.

Kumuha raw muna siya ng Legal Management sa San Beda habang wala siyang ginagawang teleserye.

“Dream ko talaga ‘yan kaya po kumuha ako ng kursong ganyan,” sabi ni Derrick tungkol sa pangarap niyang maging public servant.

Ano ang mangyayari sa kanyang pag-aaral kung sakaling bigyan siya uli ng regular drama series ng istasyon?

Sagot ni Derrick, “Pipili po ako ng schedule na pagkatapos po ng school, diretso taping, mga hindi makakasagasa [sa pag-aaral].

“Yung regular taping days usually MWF [Monday, Wednesday, Friday], so puwede pong TThS [Tuesday, Thursday, Saturday].

“Nagagawa ko na po yun… pack-up ako sa taping namin sa Tagaytay ng 7 A.M.

"Diretso na ako sa school, dala ko lang uniform ko sa kotse.

“Mahirap lang kasi nakakatulog ako sa school.

"At least hindi ako absent, may natutunan pa rin ako.”

Paano kaya kung maging gaya ni Alden Richards ang kasikatan niya?

“Pag ganon po, school can wait naman po, minsang opportunity lang yun na hindi dapat palampasin,” sabi niya.


ASPIRATION. Ipinaliwanag ni Derrick na hindi talaga pre-Law ang gusto niyang kuning kurso kundi ang pagpi-piloto.

Saad niya, “Kaya lang, yung tatay ko, hindi ako susuportahan sa pagpi-piloto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“May back-up plan naman po ako kasi nandito na ako sa industry.

“Kaya naman po pre-Law ang kinuha ko kasi si Mama [former movie actress Tina Monasterio] nagpu-politician.

"Saka ma-chika rin ako sa mga tao.

“Sa gusto ko na po talaga, nakikita ko yung mga tao… feeling ko kaya kong maimpluwensiyahan ang mga tao.

“Nag-i-speech na po ako, kaya rin po na gusto kong mag-politician.

“Kapag nagda-drive ako, may nakita ako na hindi kayang solusyunan ng officials natin, 'A, ako ang gagawa nito.'

“Kumbaga, nakikita natin yung problema pero hindi masolusyon, kaya ako na-inspire na mag-politician.”

Hindi naman daw iiwan ni Derrick ang pag-aartista para may pondo siyang magagamit sa kanyang public service.

Feeling daw niya, habang nag-aaral siya ng Law, sasabak na siya sa politics kung may magtitiwalang patakbuhin siya sa kanilang komunidad.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN