Christian Bautista hopes to hook European audience to his songs: “Suntok sa buwan… whatever happens, I’ll do my best.”

Christian Bautista is eyeing the European market to expand his reach as a singer. “I don’t know what’s gonna happen next, pero I’m excited… kailangan mo lang i-try… kung meron kang dream, gawin mo talaga,” he says.


Mas mapapadalas ang punta ni Christian Bautista sa Europe, partikular na sa London, dahil sa paglabas ng bago niyang single sa 2016.

Lahad ng Kapuso artist, “I’m gonna release a single sa United Kingdom, sa London, in December.

“Ang title is ‘Who Is She To Me.’

"Hopefully, by then, lalabas na siya sa radio and by next year, I can fly there to promote it.

“So, I’m very, very excited."

Kuwento pa ni Christian, "I recorded the song sa L.A. [Los Angeles], then I shot the music video in London, and I’m gonna be releasing it there.”

Isang international record label daw ang magdadala ng nasabing single ni Christian sa pahintulot ng local record label niya rito, ang Universal Records.

Kung sakaling mag-click ang single ni Christian ay kinakailangan niyang magtagal sa London.

Ibig sabihin, magiging madalas ang pagkikita nila ng ex-girlfriend niyang si Rachelle Ann Go.

Kasalukuyang nasa London ang singer para sa musical na Les Miserables.

Biro ni Christian, “Ay, oo nga, that will be nice, meron na akong mauutangan, mahihingian ng pagkain!”

Pero hndi raw nakikita ni Christian na magkakabalikan pa sila ni Rachelle.

“Right now, we’re very, very good friends talaga.”

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Christian sa Star Awards for Music na ginanap sa Kia Theater, Araneta Center, noong nakaraang linggo.


PROJECT LONDON. Idinetalye ni Christian kung paano nagsimula ang project London na ito sa kanyang single.

Salaysay niya, “Well, through connections, through contacts, tapos investments.

“Isinabay namin nung nag-record ako ng song with Jessica Sanchez, the next week nag-record ako ng song ko sa London.

“Tapos meron kaming partner na magri-release doon, so very exciting.

“I don’t know what’s gonna happen next, pero I’m excited.”

Bilang co-producer ng nasabing awitin, tumutulong daw si Christian na maibenta ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“As much possible to market it.

“Pag may mga festival, I have to go there and sing it, of course.

“Everybody says it’s so hard; it is hard, pero you just have to do it, kailangan mo lang i-try, so sana.”


EUROPEAN MARKET. Wala pang plano si Christian kung magtatagal siya sa pananatili sa London kapag nagsimula na siyang mag-promote ng single niya.

“Depende sa schedule na papasok… we will know by the end of December.

“Yung mga lakad, eventually next year na mangyayari lahat.”

Nakapasok at nakilala sa Asia si Christian, pero sa susubukan niyang karera sa London ay wala pa raw siyang ideya.

Sabi niya, “Suntok sa buwan, kumbaga it’s a target, it’s a goal; whatever happens, I’ll do my best.

“If God opens doors, then great; if God says this is it, then accept it.

“Okey lang din, at least na-try ko.”

Ikinatutuwa ni Christian na kahit matagal na siya sa local music scene, hindi pa huli na subukan niyang makapasok sa music industry ng Europe.

“Talagang nakaka-inspire yung ibang mga artists… yung Rolling Stone hanggang ngayon nagtu-tour pa rin, yung iba’t iba ring grupo.

“Alam mo, kung meron kang dream, gawin mo talaga, [use] every resource [to] make it happen.”

Samantala, sa susunod na taon ay may plano raw ang GMA Network na muli siyang bigyan ng teleserye.

Hindi nga lang daw siya uli nabigyan ng bagong TV acting projects dahil kakatapos lang ng My Mother’s Secret na isang drama series.

Nakatapos din ng isang hosting TV assignment si Christian, ang To The Top.

Ang susunod na cycle nito ay babalik sa first o second quarter ng 2016.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN