Vivian Velez accuses Karen Davila of humiliating Alma Moreno in Headstart interview

Hindi nagustuhan ng aktres na si Vivian Velez ang istilo ng pagtatanong ni Karen Davila kay Parañaque City councilor at senatorial candidate na si Alma Moreno sa panayam nito sa kanyang programang Headstart sa ANC noong nakaraang November 11. Sabi ni Vivian, “Next time, try to be a gracious host. Your tone is very antagonistic.”


Tila nakahanap ng kakampi si Parañaque City councilor at senatorial candidate Alma Moreno sa kapwa aktres ding si Vivian Velez.

Hindi kasi nagustuhan ni Vivian ang istilo ng pagtatanong ni Karen kay Alma sa panayam nito sa programa niyang Headstart sa ANC noong Miyerkules, November 11.

Sa Facebook post ni Vivian noong Martes, November 17, sinabi ng aktres na naintindihan naman daw niya si Karen pero bakit parang dinidikdik pa raw niya sa Alma.

Sinabi pa niyang kontrabida raw ang tono ng pagtatanong ni Karen.

Ani Vivian, “Ok, I know the objective Ms Davila, but do you really have to rub it in.

"I am not in favor of Alma’s senatorial run but you didn't have to humiliate her. Next time, try to be a gracious host. Your tone is very antagonistic.”

Matatandaang sa naturang interview ni Karen kay Alma, maraming tanong ang una na hindi nasagot nang maayos ni Alma kahit pa sinabi na ng huli na ibang isyu ang gusto niyang pagtuunan ng pansin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Na-bash nang husto si Alma ng mge netizens at may mga pumuri kay Karen dahil napiga raw nito si Alma, na parang hindi pa handa sa mas mataas na posisyon sa gobyerno.

Si Alma ay tumatakbo sa pagka-senador sa ilalim ng United Nationalist Alliance (UNA) ng tambalang Vice President Jejomar Binay sa pagka-pangulo at Senator Gringo Honasan para naman sa pagka-bise presidente.

Read: Senatoriable Alma Moreno ANC interview with Karen Davila goes viral; believes same-sex marriage is a sin

May ilan ding bumatikos kay Karen pero nanindigan ang TV host na inaalalayan pa raw niya si Alma sa interview dahil imbes na magtanong ito sa Ingles, nag-Tagalog na lang daw ito.

Read: Karen Davila on Alma Moreno interview: “My job is to ask the hard questions.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN