Comedian Jobert Austria involved in car accident

Wasak na wasak ang harapang bahagi ng sasakyan ng komedyanteng si Jobert Austria matapos itong sumalpok sa isang concrete barrier sa may Del Monte Avenue, Quezon City, madaling-araw ngayong Biyernes, November 20. Duguan si Jobert nang mailabas sa kanyang sasakyan matapos ang halos isang oras na pagkakaipit nito sa manibela ng kanyang kotse.


Nabangga ang minamanehong kotse ng komedyanteng si Jobert Austria ngayong madaling-araw ng Biyernes, November 20.

Ayon sa ulat ng Balitanghali ng GMA News TV ngayong tanghali, nangyari ang aksidente sa panulukan ng Del Monte Avenue, Talayan, Quezon City, dakong alas-tres y media ng umaga.

Ayon pa sa report, unang tumama ang sasakyan ng Banana Sundae mainstay sa isang kariton na nakaparada sa tabi ng kalsada bago ito tumama sa concrete barrier ng naturang lugar.

Ayon sa mga nakasaksi sa aksidente, malakas daw ang naging kalabog ng pagkabangga ng sasakyan ng komedyante.

Wasak ang kaliwang bahagi ng harapan ng sasakyan ni Jobert, basag ang mga salamin, nalukot pa ang bubong, at wasak pati ang mga salamin sa likuran.

Natagalan ang pagdating ng rescuers dahil nanggaling pa raw ang ambulansiya sa APEC Summit.

Dinala kaagad si Jobert sa St. Luke's Medical Center.

Dumating sa pinangyarihan ng aksidente ang kaibigan ni Jobert at sinabi nitong galing ito sa taping ng kanilang show.

Wala pang ulat sa ngayon tungkol sa tinamong pinsala ni Jobert, pero base sa video ng Balitanghali, duguan ito nang inilabas sa kanyang sasakyan.

Naging maingay ang pangalan ni Jobert nitong nakaraang taon matapos niyang magtangkang tumalon sa isang motel sa Quezon City.

Read: Banana Nite mainstay Jobert Austria faces raps after "suicide attempt"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN