Miho Nishida gets emotional over approval of Tommy Esguerra's parents

Miho Nishida on Tommy Esguerra's efforts to woo her: “Ngayon natutuwa naman ako na meron po akong natututunan na meron palang ganito[ng] pag-ibig. Masaya po.”


Inihayag Miho Nishida, 22, na naniniwala siyang sinsero ang panunuyo sa kanya ng kapwa Pinoy Big Brother 737 ex-housemate na si Tommy Esguerra, 21.

Ito ay sa kabila ng espekulasyon ng ibang mga tao na nililigawan diumano ni Tommy si Miho para sumikat, lalo na ngayong sumabak na sila sa showbiz.

Read: Tommy Esguerra on Miho Nishida: "I'm in love with her."

Sa "Tomiho Realiserye" segment ng It’s Showtime ngayong araw, November 20, ibinahagi ni Miho ang kanyang saloobin hinggil sa pagmamahal na ipinararamdan sa kanya ni Tommy.

Lahad ni Miho kay Big Brother, “Kuya, kasi ako, hindi ako naniniwala sa mga love-love na ‘yan.

“Pero yung ganito, yung dumaan po ako sa mga ganitong mga gusto akong ligawan ni Tommy, para po akong binibigyan niya po ako ng respeto.

“Meron din pala akong hindi pa nalalaman tungkol sa mahal-mahal na ‘yan.

“Ngayon, natutuwa naman ako na meron po akong natututunan na meron palang ganito[ng] pag-ibig. Masaya po.”

Kaugnay ito ng lunch date nina Miho at Tommy kasama ng kani-kanilang pamilya sa loob ng PBB house.

Si Miho ang naghanda ng kanilang pinagsaluhang pagkain, kasama ang ina niyang si Mercedes at anak na si Aimi.


TOMMY’S FAMILY APPROVES OF MIHO. Nagkaroon din ng pagkakataong makapag-usap nang masinsinan sina Miho at mga magulang ni Tommy.

Mismong ang ina ni Tommy na si Shirley Esguerra ay nagpahiwatig na ramdam niya ang sinseridad ng anak sa panliligaw nito kay Miho.

Ani Shirley, “Nakikita mo yung sincerity niya [Tommy], yung totoo niya, kasi malambing siya kapag meron siyang gusto.”

Maging ang stepfather ni Tommy na si Eric Esguerra ay naghayag din ng suporta sa panunuyo ng anak kay Miho.

Sabi ni Eric kay Miho, “Yun ang payo ko sa kanya, kapag mahal ka niya, mahal rin dapat niya si Aimi.

“Mahal niya rin dapat nanay mo, yung pamilya mo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa ngayon, sapat na umano para sa pamilya Esguerra na makitang masaya si Tommy sa piling ni Miho.


MIHO GETS MOVED TO TEARS. Bunsod nito, naging emosyunal si Miho dahil sa maayos na pagtanggap sa kanya ng mga magulang ni Tommy.

Naantig din ang damdamin ni Miho sa kuwento ni Eric kung paano nito minahal nang buung-buo si Tommy na parang tunay na anak.

Napapaluhang saad ni Miho, “Naramdaman ko po na talagang minahal ninyo [yung] mommy ni Tommy 'tsaka yung anak niya.

“Sobra. Para akong nanonood ng movie.”

Sabi pa ni Miho, “Wala po kasi akong tatay. Hindi ko alam ang pagmamahal ng isang tatay sa anak.

“Lalo na si Aimi, walang tatay, kaya parang wala talaga akong alam sa pagmamahal ng isang ama para sa anak.”

Nakatakdang umuwi pabalik ng U.S. ang mga magulang at kapatid ni Tommy bukas, November 21.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN