Sarah Geronimo & Matteo Guidicelli, Jennylyn Mercado & Dennis Trillo pose for picture together at Regine Velasquez’s concert

(L-R) During the intermission of Regine Velasquez's concert last night, November 20, Matteo Guidicelli, Sarah Geronimo, Vicki Belo, Hayden Kho, Jennylyn Mercado and Dennis Trillo pose for a picture together.


Sinuportahan ng real-life couple na sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli at ng rumored couple na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo ang concert ng Asia's Songbird na si Regine Velasquez.

Namataan ang dalawang pares na nanood ng ikatlong gabi ng concert series ni Regine na Regine At The Theater kagabi, November 20, sa The Theatre ng Solaire Resort and Casino.

#PEPSpotted: Sarah Geronimo and Matteo Guidicelli at the third night of Regine at The Theater.

A video posted by PEPalerts (@pepalerts) onNov 20, 2015 at 4:00am PST

#PEPspotted: Jennylyn Mercado and Dennis Trillo at #RegineatTheTheater.

A photo posted by PEPalerts (@pepalerts) onNov 20, 2015 at 5:48am PST

Bagamat kabilang ang dalawang pares sa magkalabang networks, magkatabi sila ng mga upuan noong gabing iyon.

Unang dumating sa venue sina Sarah at Matteo; ngunit nag-stay muna sila sa restaurant sa may lobby ng The Theatre kung saan bahagya silang pinagkaguluhan ng ibang concertgoers.

Sina Jennylyn at Dennis naman ay dumiretso na sa loob ng The Theatre ilang minuto bago magsimula ang concert.

May mangilan-ngilang fans ang lumapit sa dalawang Kapuso stars upang magpa-picture at nagpaunlak naman ang mga ito.

Ilang sandali pa ay pumasok na rin sa loob ng teatro sina Sarah at Matteo at agad na binati sina Dennis at Jennylyn na katabi pala nila sa upuan.

Noong intermission ay nilapitan ng dalawang pares ang magkasintahang sina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho Jr., na nakaupo sa unang row malapit sa stage.

Sina Sarah at Jennylyn ay parehong endorsers ng Belo Medical Group.

Dito ay pinagkaguluhan na sina Dennis, Jennylyn, Sarah, at Matteo ng ilang fans na gustong magpa-picture kasama sila.

Ito ang naging hudyat para sa mga organizer ng concert na ilabas muna ang celebrity couples para hindi na sila dumugin ng ibang concertgoers.

Sa labas ng venue ay nagpakuha ng litrato ang tatlong pares na ipinost naman ni Dra. Belo sa kanyang Instagram account.

Sa Instagram post ni Dra. Belo, sinabi niyang natutuwa siya na kahit malalaking bituin na sina Matteo, Sarah, Jennylyn, at Dennis ay pare-pareho silang fans ng Songbird.

Saad niya sa kanyang caption: “@mateoguidicelli @justsarahg @dochayden @mercadojenny @dennistrillo are all big stars, when it comes to @reginevalcasid we're all just fans.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“This show at #solaire is her best and most beautiful show ever. Tonight is the last night you better not miss it.”

Sa ngayon, parehong busy sina Sarah at Matteo sa paghahanda sa kani-kanilang mga concert.

Sina Jennylyn at Dennis ay huling napanood sa katatapos lang na primetime series na My Faithful Husband.

Si Jennylyn ay abala rin sa shooting ng 41st Metro Manila Film Festival entry niyang Walang Forever kasama si Jericho Rosales.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN