Ruffa Gutierrez doesn't plan to get married anytime soon

Ruffa Gutierrez on endorsing a presidential candidate in 2016: "Ayokong pumili kasi, like I said, meron kaming kanya-kanyang closeness with each person who’s running, so kaysa ma-hurt pa yung feelings nila, I would rather keep it to myself."


Hindi pa sigurado si Ruffa Gutierrez kung paano niya ipagdiriwang ang darating na Pasko at Bagong Taon. Ngunit sinigurado ng former beauty queen, actress at host na kasama niya ang pamilya upang ipagdiwang ito.

Saad niya, “As of now, Christmas is in the Philippines and New Year, I haven’t decided yet. Either Philippines, Europe, or the States. Depende sa budget.”

Ano ang kanyang Christmas wish sa taong ito?

Sagot ni Ruffa, “My Christmas wish is actually not for myself or my family. I mean, it may sound cliché but in this day and age, talagang I really hope for world peace.

“Nakakatakot na ngayon. You know, sa mga nangyayari, and I know a lot of people say, 'don’t live in fear,' kasi yun ang gusto nila.

“But I just can’t help but feel bad and feel scared especially for my kids, na iba na yung mundong ginagalawan nila.

“So ayun, hopefully matapos na lahat ‘yan, and sana with each person in the world, they’ll have more compassion, compassion for human beings.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang miyembro ng press si Ruffa sa launch ng kanyang bagong business venture, ang video streaming service na iflix noong Lunes, November 16, sa Salon de Ning Lounge Bar ng The Peninsula Manila Hotel sa Makati City.

Business partners ni Ruffa ang kanyang mga kaibigan at kapwa celebrities na sina Iza Calzado, Karylle at Jasmine Curtis Smith.

Kasama rin ni Ruffa sa negosyo ang mga kapatid na sina Richard at Raymond Gutierrez.

RECONCILED. Isa sa mga napag-usapan sa panayam kay Ruffa ay ang pagbati nila ng kanyang inang si Annabelle Rama.

Matatandaang nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang mag-ina nitong nakaraang taon dahil sa non-showbiz boyfriend ni Ruffa na si Jordan Mouyal.

Read: Ruffa Gutierrez and mom Annabelle Rama engage in another Twitter spat

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Masaya si Ruffa na natapos na ang away nilang mag-ina, ngunit aminado ito na nagkakaroon pa rin sila ng minsanang di pagkakaunawaan.

Ani Ruffa, “Pero hindi na katulad nung dati na muntik niya na akong batuhin ng tinidor.”

Binalikan din ni Ruffa kung paano sila nagkabati ng ina.

“Alam niyo naman kami ni Mommy, we go through our ups and downs.

"Nagkabati kami, actually, nung kasal nung kapatid ko, kay Elvis.

“And gusto ni Elvis, maging happy ang kanyang kasal, maging happy ending. So ako na mismo yung gumawa ng first move.

“Ganun naman talaga tayong mga anak, di ba? Kahit na umiirap-irap si Mommy or kahit na ayaw niya akong kausapin.

"Kailangan talaga tayo laging magpakumbaba bilang anak.

“So I hugged her and I was so happy na hindi nanigas yung leeg niya. Usually, yung talagang stiff neck.

“So that day, I think she’s ano… ‘tsaka nakita naman niya na tama din naman ako. May point din naman ako, but I also understand her.”

Sa tanong naman kung magiging istrikto rin ba siya sa mga anak na sina Lorin and Venice, sinabi ni Ruffa na mas magiging understading siya kung sakaling may ipakilalang manliligaw o boyfriend ang mga anak.

“As long as yung ipapakilala sa akin, mahilig din sa pag-aaral, mabuting tao, galing sa mabuting pamilya, and most importantly, nirerespeto ako at nirerespeto sila.

“I’m sure one day, I’ll have to deal with that. ‘Wag lang bum!”

GETTING MARRIED. Willing ba si Ruffa na isakripisyo ang kanyang love life upang magpatuloy ang magandang relasyon nilang mag-ina?

Sagot ni Ruffa, “Well I think hindi naman kailangan i-sacrifice. I think both of us just need to understand each other more.

“So it’s more about respecting her feelings and my mom to respect my feelings as well. So wala naman kailangan i-sacrifice. I’m of age naman.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa ngayon, wala daw muna sa plano ni Ruffa ang magpakasal.

“At this point in time, no. There’s so many other things na dapat nating pagkaabalahan.

“And right now, I guess, it’s more important to focus on career, work, iflix. Ang daming puwedeng…

"Negosyo muna. Kasi love basta andiyan anytime, right timing na lang.”



2016 ELECTIONS. Anu-ano ang mga inaabangan ni Ruffa sa susunod na taon?

Sabi niya, “Just a better world, a better life, more projects, more success, and sana wala nang traffic.”

Dahil dito, tinanong din ng press kung nais ba ni Ruffa mag-endorso ng pulitiko sa elections 2016.

Pinili ni Ruffa na hindi mag-endorso ng sinumang presidenteng kakandidato dahil kaibigan ng kanilang pamilya ang lahat ng mga ito.

“Number one, I really have to get to know [the candidate] better. Actually, not to get to know them because they’re all my friends, but get to know what their platforms are.

“And I think at this point, ayokong pumili kasi, like I said, meron kaming kanya-kanyang closeness with each person who’s running. So kaysa ma-hurt pa yung feelings nila, I would rather keep it to myself.

“But I am a voter and I’m going to vote for the person that is best fit to be the President of the Philippines.”

Anu-ano ba ang hinahanap ni Ruffa sa isang president?

“Ako, qualifications lahat, e. Because being in that position, it’s not a joke, you know? I mean, you have to take care of terrorism, traffic, corruption, the poor, poverty.

“Even as simple as... can we please have 4G [internet], have a great railroad system? You know, these things, ang dami!

“Hindi ko puwede isa-isahin, but lahat gusto kong tingnan kung anong plataporma nila for the youth and for the future.

“So it’s not an easy task for them. I would never want to be the president of the Philippines.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN