PEPtalk. Michael V recalls his 20-year journey with Bubble Gang

Michal V walks PEP down memory lane as he recalls his 20-year journey with Bubble Gang.


Sa isang pambihirang pagkakataon ay binuksan ni Michael V o Bitoy ang kanyang bahay para sa isang masayang PEPtalk interview.

Sa aming panayam kay Bitoy ay mas nakilala namin siya bilang si Beethoven del Valle Bunagan, asawa ni Carol at ama ng apat nilang anak—sina Milo, Yanni, Maypey, at Migo. (OJO! Rissa wrote two children. When I checked Wiki for his wife’s name, he has four kids. Just the same, please confirm)€€

Naging popular sa screen name niyang Michael V, nag-umpisang makilala si Bitoy sa mga kantang pinasikat niya at sa mga karakter na kanyang ginagampanan sa longest-running gag show on Philippine TV na Bubble Gang.

Ano ang pakiramdam na bahagi siya ng dalawa sa pinakamatagal na TV shows sa bansa—ang Bubble Gang at Eat Bulaga?

Sagot ni Bitoy, “Ako nga proud dahil nasa Bubble Gang ako, nasa Eat Bulaga! ako, mga matitinding programa ‘yan.

“Wala naman talagang plano nung una, e, nagtuluy-tuloy, nagustuhan ng audience.

"So, parang ang choice namin, e, 'Ano ba? Itigil na natin ‘to [Bubble Gang] o ituloy natin ang pagpapasaya sa mga tao?'

“Kagaya siguro ng Eat Bulaga, choice namin na magpasaya ng mga tao.”


COMMON TOUCH. Ano ba ang sikreto ng Bubble Gang at naabot ang kasikatang tinatamasa nito ngayon?

Saad ni Bitoy, “Ang Bubble Gang kasi reflection ng society kung ano'ng nangyayari ngayon.

“Yun yung pinipilit naming gawin, yun ang pinipilit naming i-mirror.

“So, siguro, natutuwa yung mga tao, yung mga audience, dahil nakikita nila yung mga sarili nila.

“Nakikita nila yung nangyayari sa paligid nila, na napapanood nila sa show namin.”

Saan nanggagaling ang nakakaaliw at kuwela nilang mga konsepto para sa show?

Sagot niya, “As far as material is concerned, yung germ ng idea nanggagaling siyempre sa mga writers namin.

“Lahat sila nire-require na dun sa creative meeting, meron kang baon o germ of an idea na puwedeng i-develop.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya si Direk [Cesar] Cosme, yung headwriter namin, ayaw niyang kumuha ng writer na hindi sumasakay ng jeep.

“Kasi yung interaction mo with common people, at saka yung environment na ginagalawan mo, dapat masa.

“Dapat yun ang matutunan mo, e.

"Kasi pag hindi mo natutunan yung language nila, hindi ka makakapag-communicate.

“Ako, personally, pagdating sa writing, sa idea, kung ako lang, mauubusan ako, e.

“Pero dahil nga may kasama ako may mga katuwang ako sa creative group, parang infinite, hindi ka mauubusan ng idea, e.”

Saan siya kumukuha ng inspirasyon para sa mga karakter na ginagampanan niya?

Kuwento ni Bitoy, “Yung characters, ganun din, experience din sa mga taong nakahalubilo ko na noon, hanggang ngayon.

“Mga nakakasama ko sa show, mga nakakasama ko sa bahay, marami diyan mare-reflect yung mga characters na ginawa ko sa Bubble Gang."


BUBBLE BIBLE. Kilala na ng lahat ang galing ni Bitoy sa pagiging creative sa mga ginagawa niyang characters, pero hindi natatapos doon ang pag-iisip niya ng pagpapasaya sa mga tao.

Ngayon, parte ng 20th anniversary ng Bubble Gang ang paglabas niya ng libro na naglalaman ng mga karakter na pinasikat niya at minahal ng marami.

Ang librong Bubble Bible ay tribute ni Bitoy para sa kanyang sarili at sa tagumpay ng Bubble Gang.

Ikinuwento niya kung paano nagsimula ang pagbuo ng libro.

“Kausap ako ng Summit [Media] regarding a book.

“Nung una, ang gusto ko sana ilabas, e, autobiography, isang masalimoot at isang insight sa isang nagngangalang Bitoy.

“Kaya lang, parang matagal gawin.

"Sabi naman ng ibang mga kaibigan ko, masyadong maaga para mag-produce ng autobiography.

“So, ano yung puwede nating gawin, ano yung pinakamabilis, tapos naisip nila bakit hindi characters.

“Sabi ko, ‘Sige, madami na nga tayong ginawang characters sa Bubble Gang.’

"'Tapos mag a-anniversary pa, so parang we tried to hit two birds with one stone.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang nangyari, twelve birds yung na-hit with one book.”

Mapapansin na marami sa mga karakter niya ang hindi napasama sa Bubble Bible.

Ano ang naging proseso sa pagpili ng karakter na isasama sa libro?

“Oo, marami pa, kaya nagkaroon kami ng personal survey sa Summit mismo at saka sa grupo ng Bubble Gang.

“Kung sino yung naalala nila o kung sino yung tumatak na mga characters.

“At kung sino yung maraming material na puwedeng gawin, ito yung lumabas.”

At ang paborito naman niyang karakter sa lahat, “Si Junie Lee, kasi siya yung alter ego ko, e.

“Noong ginagawa ko yung show na Celebrity Turns na kasama ko si Lani Misalucha, isang talk show na ang talk show host ay isang hindi prepared.

“Hindi gaya ninyo na nag-research, ito hitsura pa lang, alam mo hindi nag-prepare, hindi nagsuklay, hindi nag-toothbrush.

“Hindi nakapag-prepare ng isusuot, pati yung mga itatanong niya, lumalabas na hindi niya pinaghandaan.”

Panoorin ang iba pang kuwento ni Michael V sa #BitoyOnPEPtalk sa November 25 na!



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN