Robin Padilla happy that wife Mariel Rodriguez underwent D&C procedure: “Good news sa akin yun.”

Robin Padilla says his wife Mariel Rodriguez became depressed after her miscarriage, and it was up to him to cheer her up during her depression episodes. “Minsan kasi para nang clown ang pakiramdam ko. Kailangan lagi mo nang aaluin…” Robin remembers.


Ayon sa bagong endorser ng Northern Cement na si Robin Padilla, naging maganda ng pasok ng kanyang birthday—na ipinagdiriwang niya ngayong araw, November 23—dahil nag-announce na si Davao City Mayor Rodrigo "Rody" Duterte na tatakbo na ito sa pagka-pangulo sa darating na halalan sa 2016.

Read: Davao Mayor Rodrigo Duterte announces bid for presidency in 2016

“Yun ang birthday wish ko, e,” sabi pa ni Robin nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong araw sa opisina ng Northern Cement sa Mandaluyong City, kunsaan pumirma ang aktor ng kontrata na nagsasapormal ng pagiging endorser ng nabanggit na brand ng semento.

Isa si Robin sa pinaka-vocal sa pagpapahayag ng suporta sa tigasing alkalde ng Davao.

“Nag-ano na ‘ko sa kanya…[sa] campaign manager niya.

“Sa akin kasi, kailangan na natin ng tigasin na presidente,” pahayag pa ni Robin na animo patuloy pang pino-promote sa kanyang sinabi pang-anim na endorsement niya.

Ginawa pang halimbawa ni Robin sa klase ng pamumuno ni Duterte ang lungsod na pinamumunuan nito ngayon.

“May sample na, yung Davao City. Yung gano’ng kalaki, naayos niya, kayang-kaya niya ang Pilipinas.

“Pero dapat tutulungan natin. Yun yung sinasabi ko, e.

“Yung pagbabago, kailangan galing sa ‘tin yun. Hindi manggagaling sa lider yun. Sa Pilipino yun,” patuloy ni Robin.

MARIEL’S D&C PROCEDURE. Kinumusta rin sa panayam ang asawa niyang si Mariel Rodriguez na kamakailan ay sumailalim sa D&C (dilation and curettage) o pagra-raspa.

Read: Mariel Rodriguez goes through D&C procedure 13 weeks after miscarriage: "I wanted them to go naturally."

Matatandaang nagbuntis si Mariel nung Agosto ng taong ito. Pangalawa na sanang pagbubuntis ito ng aktres-TV host (nakunan siya sa una) ngunit nakunan nga ilang araw ang lumipas.

Kuwento ni Robin tungkol sa asawa, matagal daw bago nakumbinsi si Mariel para magpalinis ng sinapupunan.

“Matagal yun. Yung doktora niya, nagpunta pa sa Hungary, nando’n kami sa Budapest para sabihin sa kanya na, ‘Kailangan na nating tanggalin ‘yan. Baka kung ano pang maging resulta niyan.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi pa rin. Ang tigas ng ulo niya.”

Nang dahil daw sa suporta at pangungumbinsi ng mga kaibigan ni Mariel, lumakas na rin ang loob nito at pumayag na sa gusto ng doktor na gawing proseso rito.

“Good news sa akin yun,” ani Robin na aminadong nag-alala nang husto noong ayaw pa ni Mariel na matanggal mula sa sinapupunan nito ang hindi natuloy na ipinagbubuntis.

Dumaan din daw kasi si Mariel sa depression nung muling makunan ito.

“Dinaanan niya yun, e. Parang matagal…hindi ako maka-relate. Parang sa pregnancy yun, e. Ano ba tawag dun? Postpartum..?”

Agad namang sinalo ng isa sa mga nag-i-interview na reporter ang sinabi ni Robin at sinambit ang salitang “postpartum depression.”

Postpartum Depression ang kundisyon na pinagdadaanan ng mga nagbuntis at nanganak na mga babae. Sa kaso ni Mariel, hindi man natuloy ang kanyang pagbubuntis, maaari ngang makaranas siya ng depression dahil sa pagkalaglag ng dinadala nito.

Ayon sa postpartumprogress.com, nakakaranas din daw ng postpartum depression ang ibang babaeng nagbuntis at nakunan, dahil dumadaan din kasi sila sa hormonal changes at brain chemistry na kumo-control sa mood at mental state ng babaeng nabuntis.

Patuloy ni Robin, naging masaya raw siya nang tinanggap na ni Mariel na wala na talaga ang ipinagbuntis nito, mag-move on, at magpalinis ng sinapupunan.

“Magandang balita yun para sa akin. Nawalan ako ng obligasyon na… Minsan kasi para nang clown ang pakiramdam ko. Kailangan lagi mo nang aaluin…” sabi ni Robin.

Hindi man dumaan sa depression si Robin, shock naman daw ang naramdaman niya nung makunan si Mariel noon.

“Kasi tatlo yun, e. Parang nabuo na yung mga pangarap, nabuo na yung mga plano… Biglang, gano’n lang pala yun,” ani Robin sabay pitik ng daliri na nagpapahiwatig ng pagkawala nga ng ipinagbuntis ni Mariel.

“Shocked ako. Hindi na ‘ko na-depress kasi mas tiningnan ko si Mariel. Siya kasi yung ano, e… Devastated.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Magbabalak pa rin ba silang gumawa ng anak?

“Ang sabi ng doktora niya, mga one year, wala muna. So one year na honeymoon na naman ‘yan,” natatawang sagot ni Binoe.

SO WHAT’S WRONG? Pinag-aaralan na rin daw kung bakit nakukunan lagi si Mariel.

“Hindi maintindihan, e. Kasi dalawang beses na yun.

“Pag dumarating na dun sa linggo na yun, ika-8 or 9, namamatay yung bata.

“May nakikita silang problema. Pag-aaralan muna nila kung ano yun.

“Ako din pag-aaralan!

“Nakakatuwa nga, e. Sabi ko, ‘Ang dami ko nang anak, pag-aaralan nyo pa ‘ko, ah.’

“Kailangan daw, e.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN