Joey Marquez supports Sen. Grace Poe's presidential bid: "Kahit nung senador pa siya, siya na talaga, e."

Joey Marquez on the various kinds of politicians: "May tumatakbo na matalino pero di nakakakita, di nakakarinig, at di nakakaramdam. Mayroon namang tao na tumatakbo na di marunong pero marunong makiramdam, marunong tumingin sa problema, at marunong makinig sa ibang tao."


Bilang isang ordinaryong mamamayan, ano ang mga katangiang hinahanap ni Joey Marquez sa isang presidente ng bansa?

Saad ng dating alkalde ng Parañaque City, “Kasi ganito ‘yan, ‘no, may tumatakbo na matalino pero di nakakakita, di nakakarinig, at di nakakaramdam.

“Mayroon namang tao na tumatakbo na di marunong pero marunong makiramdam, marunong tumingin sa problema, at marunong makinig sa ibang tao.

“Tatanungin kita ngayon: sinong mas gusto mo?

“Hindi naman lahat sa katalinuhan, kasi sa aking pagkakaalam, di porke’t presidente ka o senador ka, alam mo ang lahat.

“Ibig mong sabihin, lahat ng senador natin, alam nila ang batas? Siyempre hindi naman.

“Dapat maging masigasig at matalino tayo sa pagpili.

“Sana may dumating na pulitiko na matalino, may mata at tenga na nakakarinig, at saka may pusong nakakaramdam.”

Pagkatapos nito ay inamin ni Joey na ang susuportahan niya sa 2016 elections ay si Senator Grace Poe.

“I will not be very biased, ha, pero kay Grace Poe ako.

“Kahit nung senador pa siya, siya na talaga, e.

“Hindi siya pulitiko, kailangan natin ng public servant.

“Saka siyempre, coming from Tita Susan Roces, FPJ, mas malaki ang tiwala ko sa kanya.

“Pero this not necessarily mean I’m belittling the other candidates, ha, lahat sila magagaling.

“It’s just happened na kay Grace Poe ako.”

SUPPORT FOR GOMA. Suportado rin ni Joey ang kandidatura ng matalik niyang kaibigan na si Richard Gomez na tumatakbong mayor ng Ormoc City.

Pahayag niya, “Noon pa naman puwede si Richard, kasi si Richard perfectionist ‘yan. May pagka-idealistic ‘yan.

“We need people like him para naman ma-inject niya yung mga idealisms niya.

“Kaya lang minsan ano, e, it’s very dangerous to be right in the wrong place.

“Gusto mo ng kabutihan, tinatanggal ka naman.”

Sa kabilang banda, wala na raw uling balak pumasok sa political arena si Joey.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paliwanag niya, “Masyadong magulo ang pulitika saka tapos na ako.

“I served Parañaque for twelve years already.

“Hindi naman hanapbuhay ang pulitika para sa akin, moral responsibility ‘yan, e.

“Nagtataka lang ako sa iba kung bakit ayaw umalis diyan, e.

“Sabi nga, magbigay ka ng dapat mong ibigay, hindi mangolekta ka ng dapat kolektahin. Kaya ayaw nilang umalis diyan, e.

“I do not see any advantage in terms of income.

“Pag pulitiko ka kasi, sa liit ng suweldo mo, ang dami mong tinutulungan, dapat maghirap ka, e.

“Yung iba nga diyan nagtataka, bakit yumayaman yung iba?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN