Bret Jackson grateful to Andi Eigenmann for her friendship

Bret Jackson admits he's courting Ella Cruz but he does not want to rush it. "I also don't want to rush her kasi I know naman she has other priorities. It's like going with the flow; she knows naman my intentions are good."


Masayang ibinida ni Bret Jackson ang pagiging malapit pa rin nilang magkaibigan ni Andi Eigenmann sa kabila ng kanilang short-lived relationship noon.

Hindi raw nagbabago sa kanya ang aktres at mas lalo pa silang naging close ngayon.

Saad ni Bret, “I feel great, we’ve really remained good friends, at kahit paano ay na-maintain namin yun.

“It feels good.

"Kaya nga whatever people say about her, she's great."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bret sa presscon ng pelikulang Angela Markado, sa Music Hall, Metrowalk, Ortigas City, nitong Martes, November 24.

Patuloy ni Bret, "Meron nga kaming eksena rito na parang ano pa lang, iyakan na kaming dalawa.

"Ano kasi, yung lumalabas sa amin, parang real emotions talaga."

Si Bret ang gumanap na boyfriend ni Andi sa pelikula.

Dugtong pa niya, "We have real connections, yun ang maganda sa amin, kaya kahit sa trabaho, ang sarap.

"Sabi nga niya sa akin, she's happy daw for me kasi nga she knows naman my struggles.

“And she's happy na magka-work pa rin kami.

"At ako rin, I'm happy na kasama ako sa movie niya."


ON THE SET. Ayon kay Bret, nakita niya ang paghihirap ni Andi sa kanilang pelikula, kung saan gumaganap ang aktres bilang biktima ng gang rape.

"I feel for her. Yung mga eksena niya na sobrang dusa siya… those weren't easy scenes.

"To be gang-raped is really something else.

"I think there were lot of scenes that brought out the best of Andi, lalo na yung dramatic moments niya.

"Ako naman, since the start, I always believe in her bilang isang actress."

Pasalamat din daw si Bret sa direktor na si Carlo J. Caparas sa tiwalang ibinibigay nito sa kanya.

"It's a big role katulad ng limang rapists, pero importante yung role ko.

"So, yung trust na ibinigay niya to play the part, thankful na talaga ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Direk Carlo kasi is one director who tells you and guides you.

"Kaya siguro magaganda yung scenes dahil nakatutok talaga siya, he tells you kung ano talaga ang gusto niya.

"First time kong makatrabaho siya, pero I feel na parang comfortable na kaagad kami sa kanya.

"We're like a family sa set, yeah, it's a happy set."


COMPATIBLE. Samantala, napag-usapan din ang tungkol sa nali-link sa kanya na si Ella Cruz.

Masasabi ba niyang si Ella na ang kanyang 'the one'?

Paglilinaw ng Viva talent, "Actually, it's not to say na I found the one.

"I just love her company, pero I haven't seen her lately, kasi pareho kaming busy.

"Meron kaming project together, pero meron ding hindi kami magkasama."

Ibig bang sabihin nito ay hindi pa puwedeng bigyan ng romantic label ang samahan nilang dalawa?

Sabi ni Bret, "Parang hindi pa, dating, ganun [muna]; nililigawan ko siya.

"Pero.. I don't wanna rush.

"I also don't want to rush her kasi I know naman she has other priorities.

"It's like going with the flow. She knows naman my intentions are good.

“And I still don't know also if ready na rin siya for a relationship.

"Masaya na rin ako na she's treating me well, marami kaming compatibilities, yun."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN