Paulo Avelino clarifies he will not be a threat to JaDine loveteam

Paulo Avelino on working with James Reid and Nadine Lustre: “Working with the love team, I’m really excited. Excited ako sa maibibigay kong bago sa show at hindi totally para manggulo pero mayanig at palakasin pa lalo yung samahan nina Clark at Leah.”


Nilinaw ni Paulo Avelino na wala siyang balak maging sagabal sa pagiging magkaibigan o sa kung anumang relasyon mayroon sa totoong buhay sina James Reid at Nadine Lustre.

Nalalapit na kasi ang pagpasok ng karakter ni Paulo na si Simon sa toprating Kapamilya primetime teleserye na pinagbibidahan nina James at Nadine, ang On The Wings Of Love.

Si Simon ay isang advertising executive at magiging boss ni Leah, na ginagampanan naman ni Nadine.

Bukod kay Jigs (Albie Casiño), si Simon ang isa pang yayanig sa relasyon nina Leah at Clark (James).

Inihayag ni Paulo ang kanyang paglilinaw sa special announcement at presscon na inorganisa ng ABS-CBN at Dreamscape para sa kanya at ginanap noong Martes, Nobyembre 24, sa 9501 restaurant sa loob ng ABS-CBN compound.

Natanong kasi si James kung dapat bang ma-threat si James sa kanya.

Sagot niya, “Well, mas threat kina Clark at Leah bilang characters sa show.

“Alam naman natin na they’re good friends [in real life]. Hindi naman ako nandoon para sirain ang pagkakaibigan nila.”

ADMIRING NADINE. Nakapag-taping na raw ng ilang eksena si Paulo kasama si Nadine.

Ano ang first impression niya sa aktres?

Saad ng aktor, “Actually, dalawang beses ko pa lang siya nakaeksena, well, she’s nice.

“Kumbaga, I think it’s too early for me to tell dahil hindi ko pa naman totally nakikilala si Nadine.

“Pero based on kung paano nagawa yung konting eksena na kasama ko siya, exciting.”

Wala mang intensiyong guluhin sina James at Nadine sa totoong buhay, inamin naman ni Paulo na nagagandahan siya sa young actress.

Tinanong kasi ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Paulo kung ano ang dating ng beauty ni Nadine sa kanya.

Tugon niya, “Her beauty is very Pinay. You know, I’m actually very attracted to parang Pinay-looking girl.”

So, puwede niyang maging crush si Nadine?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Well, I admire her. Marami naman akong ina-admire na beauty or kagandahan ng babae. Pero hanggang doon muna.”

Gusto rin daw niya ang pagiging simple ni Nadine.

“Siguro rather than her looks, I would say her simplicity.

“Every time I see her sa work… kumbaga simpleng may dating, parang ganun.”

HONORED & HAPPY. Malaking karangalan daw para kay Paulo na maging bahagi ng On The Wings Of Love.

“I’m honored to be part of this toprating show. I’m happy to be part of the cast,” aniya.

Natutuwa rin si Paulo na makakatrabaho niya ang OTWOL stars na sina James at Nadine, na isa sa top love teams sa showbiz ngayon at kilala sa tawag na JaDine.

“Working with the love team, I’m really excited.

“Excited ako sa maibibigay kong bago sa show at hindi totally para manggulo pero mayanig at palakasin pa lalo yung samahan nina Clark at Leah.”

Ano ang alam niya sa JaDine bago pa siya pumasok sa OTWOL?

Sabi ni Paulo, “The tandem, ang lakas.

“They’re known kasi they are all over social media, nagti-trend sa Twitter, not just them as a love team but also because of the show na lagi ring nagti-trend.

“I’ve worked with James several times, but this is my first with Nadine.”

Nakasama na ni Paulo si James sa Cosmo Bachelor Bash at sa TV commercial ng Century Tuna.

Nakikita niya bang magiging kaibigan ang dalawa?

Sabi ni Paulo, “Most probably dahil lahat naman ng nakakatrabaho ko, usually after the show we all end up as good friends or parang family na rin.

“Feeling ko magiging close ako sa dalawang ito. Hindi lang sa dalawang ito kundi sa buong cast ng OTWOL.”

Protective ang fans ng JaDine sa kanilang mga idolo at parang ayaw nilang may umeeksena sa mga ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ini-expect na ba ni Paulo na magkakaroon siya ng bashers dahil dito?

Aniya, “Hindi naman maiiwasan iyon.

"Minsan nadadala talaga tayo sa mga nakikita natin sa mga characters on TV.

“Kahit naman ako, kapag may napapanood akong mga show, pag may sumisingit or pag may tingin mong threat, siyempre nagre-react ka, di ba?”’

Inulit nga ni Paulo na ang pagpasok niya sa show ay trabaho lang at hindi para maging threat sa JaDine in real life.

“Kumbaga, I’m just an actor portraying a role and we’re all professional sa set.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN