Mar Roxas insists Kathryn Bernardo and Daniel Padilla’s endorsement has “no financial arrangement whatsoever”

Pinabulaanan ng Liberal Party standard-bearer na si Mar Roxas na may kaakibat na bayad ang pag-endorso sa kanya ng sikat na tambalang KathNiel nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Pahayag ng presidential candidate, “And they knew the story of what happened during Yolanda. And nung umuwi sila don nung bakasyon, parang nadinig nila yung istorya and sabi nila, ‘Parang hindi ito totoo,’ the political na paninira.”


Hati ang paniniwala ng fans ng tambalang KathNiel nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla tungkol sa pag-eendorso ng mga ito sa kandidatura ni Mar Roxas sa pagka-presidente sa 2016 elections.

Ang haka-haka ng ilan, may perang katapat ang pag-eendorso nina Kathryn at Daniel kay Mar.

Ang iba naman, umaasang pinaniniwalaan lang talaga ng KathNiel ang mga adbokasiya ng Liberal Party presidential aspirant.

Read: Kathryn Bernardo, Daniel Padilla endorse Mar Roxas for president in 2016

Sa panayam ni Lynda Jumilla kay Mar sa programa nitong Beyond Politics sa ANC ngayong Miyerkules, November 24, pinabulaanan ng mister ni Korina Sanchez na may perang sangkot sa endorsement ng dalawang Kapamilya stars.

Tanong ni Lynda: “KathNiel love team endorsing you. Is this going to be something we will see in the course of your campaign? Celebrity endorsement. Are these paid endorsements?"

Sagot ni Mar: “No, not at all. I thank them very much na they… Daniel in particular, ‘no. He's from Tacloban, e.

“And they knew the story of what happened during Yolanda.

"And nung umuwi sila don nung bakasyon, parang nadinig nila yung istorya.

"And sabi nila, ‘Parang hindi ito totoo,’ the political na paninira.

“And so, nag-usap kami.

"And nagpapasalamat talaga ako and I’m very, very thankful that, you know, two young people, their mom Karla, of course, na parang tumayo sila.

"They could've taken a safe space and just stayed away, deadma, ganun.

“Nagpapasalamat talaga ako that they said, 'Hindi, hindi tama ito.'

"So, I'm grateful to them."

Diin pa ni Mar, "No, there was no financial arrangement whatsoever."

Si Karla Estada, ina ni Daniel, ay taga-Tacloban at nabiktima ang mga kaanak nito sa delubyong hatid ng super typhoon Yolanda noong 2013.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN